Una sa Balita

Ben Stiller, ligtas na sa prostate cancer!

By
0 74

Ginulat ng Hollywood actor na si Ben Stiller ang marami nang aminin niya sa isang interview with Howard Stern na na-diagnose siya with prostate cancer noong 2014. Ang maganda rito ay na-treat agad ito through surgery at ngayon ay cancer-free na siya.

Ayon sa 50-year old comedian na bumida sa mga hit movies na Meet The Parents, Along Came Polly, Zoolander at Tropic Thunder, na masuwerte siya dahil sa nagawang early diagnosis sa kanya kaya nalaman niya na me­ron pala siyang sakit.

“It’s a very controversial subject, the PSA (Prostate Specific Antigen)  blood test. If I hadn’t taken the test — my doctor started giving it to me at 46 — I would not have known. Right now, I still wouldn’t have known.”

Una niyang nilapitan for advice on the disease ay ang kaibigan niyang si Robert De Niro na nagkaroon din ng prostate cancer at magaling na ngayon.
Prostate cancer is the se­cond leading cause of cancer deaths among men in the United States, affecting one in seven men, according to the American Cancer Society.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy