BEN AFFLECK, MAGALING NA SA ALCOHOL ADDICTION!

By

Ben Affleck
Ben Affleck

Inamin ng Hollywood actor na si Ben Affleck na nakumpleto na niya ang treatment para sa alcohol addiction niya. Pinost ng 44-year old sa kanyang Facebook page na hindi naging madali ang treatment para sa kanya, pero dahil gusto niyang maging mabuting ama sa mga anak nila ng kanyang estranged wife na si Jennifer Garner, ginawa niya ang nararapat.

“I have completed treatment for alcohol addiction; something I’ve dealt with in the past and will continue to confront.

“I want my kids to know there is no shame in getting help when you need it, and to be a source of strength for anyone out there who needs help but is afraid to take the first step,” post pa ni Ben.

Hindi nga tinuloy ni Jen ang pag-file ng divorce papers nila ni Ben dahil nais pa nilang maayos nang paunti-unti ang relasyon nila bilang mag-asawa.

SHARE