Una sa Balita

Belvedere Tower may bomb threat

By
0 1,183

Isang kilalang tower ang nakatanggap ng tawag sa telepono at sinabing may nakatanim umanong bomba sa isa nilang unit, kahapon sa Pasig City.

Ayon kay Pasig police SPO2 Andrew Mendrez, nakatanggap sila ng tawag mula kay Lenie Rose F. Dalisay, communications operator ng Belvedere Tower sa San Miguel Ave., San Antonio, Pasig City na may tumawag umano sa kanilang opisina at sinabing may nakatanim na bomba sa isang unit nito na maaaring pumutok anumang oras ngayong araw.

Agad na ini-report ni Dalisay ang natanggap na bomb threat sa Pasig Police at agad namang nagresponde ang kapulisan kasama ang bomb dispersal unit ng Pasig at isang K9 dog bandang alas-12:25 kahapon ng tanghali.

Pinalabas ang lahat ng nasa loob ng bawat opisina upang masigurong ligtas at walang masasaktan sakaling may maganap na sunog.

Nang siyasatin, wala namang nakitang anumang kahina-hinalang at panganib sa nasabing tower, kabilang na ang 9th floor na unit.

Ayon kay SPO2 Mendrez, ligtas na ang naturang gusali at posibleng may nanakot lamang na naging dahilan para mag-panic ang mga empleyado. (Vick Aquino)