Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 230

Ika-9 na labas

“Okay, darating ako.”

“So pa’no,keri mo na ‘yang si Michael, samantalahin mo na, para magka-lovelife ka na!” pabulong na tukso ni Menggay.

“Asus, para namang may lovelife ka na.” bawi ni Dianne.

“Actually malapit ko ng sagutin yung guard sa building, kailangan ko na lang i-tsek yung financial account niya!”

“Sira ka talaga!”

Samantala. Panay ang tingin ni Veronica sa pambisig niyang orasan habang nakaupo sa swivel chair niya sa sariling office..

“Bakit ba ang tagal-tagal niya?” kausap nito sa sarili.

Tumayo siya at dumayal sa cellphone habang nagpapabalik-balik sa bawat sulok ng opisina.

Nagtataka siya kung bakit hindi sinasagot ng asawa ang tawag niya gayong nagriring naman ang phone nito.

Sa isang eleganteng restaurant dinala ni Michael si Dianne.

“Michael, bakit dito pa? cowboy naman ako, actually I love tokneneng sa kanto!” nakangiting sabi ni Dianne habang pumapasok sila sa restaurant.

“Alam ko naman na simple ka lang, kaya lang this is our first dinner together, so gusto ko lang magpa-impress!” nakangiti ring tugon ni Michael.

“Wow, kailangan ba ‘yon?”

Palihim na sinulyapan ni Michael ang cellphone niyang marami ng missed calls. Naka-silent kasi ito kaya hindi niya narinig. Pero kahit nakita na niya ang mga tawag ay wala pa rin siyang balak mag-return call dito.

Inalalayan pa niya ang dalaga sa pag-upo. Pag­lapit ng waiter ay si Dianne ang pinapili ni Michael ng gusto nitong menu. Habang kumakain ay sige ang kuwentuhan nila. Siniguro ni Michael na walang dull moment at makukuha niya ang loob ng dalaga.

Matapos ang dinner ay inihatid na ni Michael si Dianne kina Menggay. Kailangan kasi ng dalagang sumaglit sa birthday ng mamang ng kaibigan bago siya pumasok sa istasyon.

“Thank you Michael, thank you sa treat, nag-enjoy ako sa company mo.”

“Your always welcome, so pa’no, I have to go, hindi na’ko makikigulo diyan!” natatawang sabi ng lalaki.

Related Posts

“Oo, kasi kapag nakita ka nila, siguradong tutuksuhin nila tayo.”

“Gusto ko naman ‘yon eh, kaya lang I really have to go.” Birong totoo ni Michael.

“Ikaw talaga, o sige na, ingat ka.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Dianne. Inihatid pa siya ng tanaw ni Michael habang pumapasok siya sa gate. Nang makapasok na ang dalaga ay sumakay na rin ng kotse niya ang lalaki.

Ibang-iba ang pakiramdam ngayon ni Michael. Para siyang nakalutang sa ulap habang nagmamaneho pauwi.

Galit naman siyang sinalubong ni Veronica na naka-poste na sa pintuan ng bahay nila.

“How dare you not to answer my calls!” galit na bungad ng asawa.

“I-I’m sorry, nagda-drive kasi ako kaya hindi ko…”

“Stop saying alibis! Sabihin mo na lang ang totoo!”

Naiiling na nilampasan ni Michael ang babae.

“Michael kinakausap pa kita!”

“Saka na tayo mag-usap pag kalmado ka na.”

Pero sinundan pa rin ni Veronica ang asawa paakyat sa paikot nilang hagdanan.

“Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ako nagagalit?”

“Malinaw naman diba?  dahil lang hindi ko nasagot ang mga tawag mo.”

“Dahil hinintay kita…dahil gusto kitang ayaing mag-dinner sa labas…”

“But why?”

“Dahil may maganda akong balita…about me…na-promote ako…bilang bagong manager ng kumpanya…and I want to share it with you…”

Natigilan si Michael. Napahinto siya sa paghakbang. Lumingon siya sa asawa. At pagkuwa’y nilapitan ito at niyakap.

“Congratulations hon, I’m really sorry!”

“Bhe, ang taray ha, de pahatid-hatid ka pa, kala mo hindi ko nakita ‘yon!” tukso ni Menggay habang naghahanda sila ni Dianne para sa pag-on air.

“Heh! Walang ibig sabihin ‘yon, ‘wag ka ngang maingay diyan baka may makarinig pa.” (Itutuloy)