Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 213

Ika-8 na labas

“Wala…nagkaroon naman ako dati nung high school, pero since then hindi na nasundan…”

“What? Ibig sabihin during college wala ka man lang sinagot maski isa sa kanila?” biro ni Michael.

“Kanila? Actually oo, may mga sumubok manligaw pero wala sa kanila yung tipo ko.”

“Talaga? ano naman yung tipo mo?”

“Syempre mabait…malambing…as in super sweet…at higit sa lahat, honest, yung pwede kong pagkatiwalaan sa lahat ng oras.”

Napahugot ng malalim na hininga si Michael.

“E ikaw, siguro may asawa ka na no?” tanong naman ni Dianne.

“H-ha? wala pa…pero tingin ko, nakita ko na ang true love ko.”

“True love? So, alam na ba niyang truelove mo siya?”

“Hindi pa, pero asap she will know…”

Walang balak si Michael na sabihin kay Dianne ang totoo, ito kasi ang truelove na tinutukoy niya. Sa unang kita pa lang kasi niya dito ay iba na agad ang naramdaman niya. Isang kakaibang pakiramdam na hindi niya kailanman naramdaman kay Veronica.

Magkasama sa isang table for two sina Menggay at Dianne sa isang coffee shop sa loob ng building kung saan nandoon ang istasyon nila.

“Kung totoo ngang buntis si Lilibeth, ibig sabihin hindi malayong magpakasal na sila ni Charlie?”

“Siguro…gano’n na nga…” malungkot na tugon ni Dianne.

“Ouch! So goodbye Charlie na talaga ang byuti mo bhe?”

“Iyon ang masakit na katotohanang tanggapin ko man o hindi wala akong magagawa…”

“Don’t worry, kahit mag-goodbye Charlie ka, pwede ka namang mag-hello Michael diba?”

Natawa si Dianne sa sinabi ng kaibigan.

“Hello? Hindi ko pa nga lubos na kilala yung tao, speaking of Michael, sinearch ko siya sa fb, twitter at IG pero I can’t believe na hindi ko talaga siya ma-search, or maybe he’s using other name…”

“Or pwede rin namang wala siyang account sa kahit anong social media,hindi siya mahilig, teka, bakit mo nga pala ginawa ‘yon, so ibig sabihin interesado ka rin sa kanya!” nanlalaki ang matang sabi ni Menggay.

“Or  I’m just curious about him, kasi gusto niyang maging friends kami.”

“Hmmm, I smell something hearty! Itanong mo na lang kaya sa kanya ng diretso kung anong account name niya para kamo ma-add mo siya sa list of friends mo!”

Hindi sumagot si Dianne, sa halip ay hinigop nito ang kape para maitago ang ngiti sa mga labi.
Foundation event.

Hindi alam ni Dianne kung gaano katagal na siyang pumipili ng isusuot para sa okasyon.

Related Posts

Nailabas na niya ang halos lahat ng dress na pwede niyang pagpilian. Pero hindi pa rin siya makuntento. Kaya tinawagan niya si Menggay at nagpasama sa mall para bumili ng bago.

Isang red dress na may disenyong bulaklak sa right side ng balikat ang natipuhan niya.

Matapos itong mabili ay dumiretso sila sa parlor para magpaganda ng buhok, pati na rin ng mga nails.

Kaya naman nang dumating siya sa event ay napalingon ang lahat sa kanya. Nandoon na rin si Michael na hindi lang basta napalingon kundi napatitig ito at natulala.

“Dianne, you look gorgeous!” sinalubong siya ni Charlie.

“Salamat, palagi ka talagang nagsasabi ng totoo ano?” nakangiting tugon ng dalaga.

“Of course, let me escort you!” sabay bigay ni Charlie ng braso niya kay Dianne. Ikinawit naman ni Dianne ang kamay niya sa braso nito.

“Teka, si Menggay hindi ba siya pupunta?”tanong ni Charlie.

“Pupunta siya, actually magkasama nga kami kanina, kaya lang nalimutan daw niya ang pinakamamahal niyang cellphone kaya pinauna na niya ako, susunod na lang daw siya.”

Magkatabing naupo sa upuan sa harap sina Charlie at Dianne. Nasa likuran nila si Michael na hindi maiwasang sulyapan ng madalas ang dalaga. Nabighani talaga siya ng kagandahan nito.

Naunang parangalan si Michael bilang Yakap Foundation humanity award. Ganoon din ang natanggap na award ni Dianne, may nakakabit nga lang na Special.

“Thank you po, thank you so much sa kara­ngalang ito, alam ko naman po na kahit sino ang nalagay sa sitwasyon ko sa mga oras na ‘yon, they will do the same, but of course I really feel proud and grateful sa pagkilala nyo. I hope na maging open door ito para sa pagpapatibay pa ng ating samahan dito sa foundation, at sana dahil dito ay hindi mawala sa isip natin ang kahalagahan ng pagtutulungan, lalo na kayong mga bata at lalo na sa oras ng panga­ngailangan.”

Ang speech na iyon ni Dianne ay sinundan ng palakpakan.

“Congratulations Dianne!” si Michael na nilapitan ang dalaga matapos ang program.

“Congratulations din sa’yo Michael!”

“I think we have to celebrate this!”

“Celebrate?”

“Yeah, why don’t we go out for a dinner, treat ko!”

“H-ha?…pero…”

“Dianne,please?”

“O sige, pero sandali lang tayo ha, kasi may work pa’ko later, saka pwede ba nating isama si Menggay?”

“Sure!”

Nilapitan ni Dianne ang kaibigan.

“Bff, gustong-gusto ko ‘yang idea ni Michael kaya lang, birthday ni mamang kailangan ako sa bahay, late na nga ako eh!” ang mamang na tinutukoy ni Menggay ay ang lola niya.

“Oo nga pala, sasaglit din ako sa inyo mamaya before work.”

“Don’t forget ha, hihintayin ka ni mamang, nagluto siya ng specialty niyang pancit palabok na paborito mo naman!” (Itutuloy)