Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 213

Ika-6 na labas

Napataas naman ang kilay ni Menggay na nakapuna sa tila ilangan mode na nangyayari sa dalawa.

“I’m baaaack! Good evening everyone! Kumusta naman kayo mga listeners? Nabasa ko sa official fb account ko ang mga sympathy niyo, gano’n din sa insta at twitter ko, thank you so much for your concern guys, but anyways, since I’m back marami akong pasalubong na kuwento sa inyo but of course, it’s all about love! Syempre rin pag-uusapan din natin ang mga problemang puso niyo na na-miss ko ng ilang araw! Kaya habang bumubuwelo pa ako dito e pakinggan muna natin ang isang awiting siguradong magpapakislot sa mga inaantok ninyong damdamin!”

Matapos isalang ang isang lovesong ay nilapitan ni Menggay si Dianne.

“Hmmm, iba ang kulay ng ngiti mo ngayon ah, may spark, may glitters!”

“Lukaret ka talaga, may kulay ba ang ngiti?”

“Meron! May lasa nga e, may mapait na ngiti at meron din namang matamis, teka si Michael na ba ‘yan?”

“Anong si Michael ang pinagsasasabi mo diyan?”

‘“Wag kang mag-deny, ang gwapo ‘di ba?”

“Pwede ba, hindi ako mahilig sa gwapo. Saka kung pwede ‘wag natin pag-usapan ‘yung tao.”

“Okay, sige ikaw na ang Denial Queen!”

Samantala.

“Michael ‘di ba kakapadala lang natin ng pera kina nanay?” ang nanay ni Michael na nasa probinsya ang tinutukoy ni Veronica. Magkasabay sila ni Michael sa hapunan.

“‘Yung kasing pinadala ko last month para sa gamot ni tatay, ngayon nagbabakasakali lang si nanay na makapagpadala ako para sa graduation ni Biboy…”

Related Posts

“What?  E ‘di ba high school graduation lang naman ‘yon?”

 “Hon, alam mo namang nailit na ng bangko ‘yung bukid namin dahil sa sakit ni tatay na diabetes, kaya gipit talaga sila ngayon, gusto lang siguro ni nanay na kahit pa’no, e mai-celebrate nila ‘yung graduation ng kapatid ko…‘wag kang mag-alala sa sahod ko naman kukunin ‘yung ipapadala ko sa kanila.” Pagkasabi niyon ay nawalan ng kibo si Michael.

Napabuntong-hininga si Veronica at pagkuwa’y tumayo at nilapitan ang asawa sabay akbay dito.

“Honey, I’m sorry, hindi ko naman sinisilip ‘yon, I’m just asking, I know pamilya mo sila at hindi mo sila matitiis.”

“Veronica, pamilya mo na rin sila.”

“I know. Sige dadagdagan ko ang ipapadala mo sa kanila.”

“Dj Dianne, hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko o mali, kapag kasi ang mga magulang at kapatid na niya ang pinag-uusapan palaging ako ang mali sa asawa ko, kapag nagsalita ako ng kahit anong against sa family niya ay sumasama agad ang loob niya sa akin… may anak na kami, kami na ang bago niyang pamilya, ‘di ba dapat sa amin siya maging over protective?”

“Michelle baka naman may nasasabi ka tala­gang hindi tama tungkol sa pamilya ng asawa mo na pamilya mo na rin, sometimes kasi tayong mga babae, tinitingnan natin ang partidos ng asawa natin bilang kakumpetensya, kung sa tingin mo ay wala ka naman talagang nasabing mali or nagawang mali, try to reach them and be close to them para malaman mo kung bakit ganoon sila kamahal ng asawa mo… and be yourself, act like a good manugang, like a good sister in law, and eventually your husband will see your effort. Kung sakali naman na meron ka talagang nakikitang mali about them, try to talk your husband regarding this without saying any bad words against them. Wala namang hindi nadadaan sa magandang usapan. Ang sabi nga sa isang teleserye, KALMA LANG! and always remember that no family is perfect, what important is the love will always be there.”

Matapos ang pakikipag-usap ni Dianne sa suking caller na si Michelle ay inabutan siya ni Menggay ng isang bote ng mineral water.

“Akala ko ba happily ever after na ‘yang si Michelle, ngayon konting utot ng problema nilang mag-asawa nakatawag agad?” tanong ni Menggay.

“Ganoon talaga, dumadaan ang mga mag-asawa sa mga problema, minsan maliit na bagay, minsan malaki.”

“Wow nagsalita ang may karanasan, e ni bf nga wala ka pa!” nanunuksong biro ni Menggay.

“Heh! Tumigil ka nga diyan! On air na ulit ako!”

“Wait lang, nasabi ko na ba sa’yo ‘yung pinapasabi ni Charlie, sasamahan ka raw niya sa foundation bukas!”

Gulat ang reaksyon ni Dianne pero hindi na niya nasagot ang tanong ng kaibigan dahil tapos na ang kantang pinatugtog niya at kailangan na niya uling mag-on the air.

“Okay mga kaibigan hopefully sana nagustuhan niyo ang awiting ‘yan, marami pa po tayong problemang puso na pag-uusapan sa pagbabalik lang po ng ating programang PROBLEMANG PUSO BA? PAG-USAPAN NATIN ‘YAN! Dito lang po sa Love Rules! (Itutuloy)