Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 213

Ika-5 na labas

Magkatabi silang nakaupo sa sofa.

Abante Hiring – IT dep

“Grabe ka beh, naloka ko sa’yo, nagmamadali pa naman akong gumora papunta sa ospital buti na lang tumawag muna ako kay Tita Divina before ako sumakay ng taxi kaya nalaman kong pauwi na kayo! Ano bang naisip mo at nag-ala super woman ka kahapon?”

“Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko that time iyon din ang gagawin, matitiis mo bang talikuran na lang ang tinig ng isang batang humihingi ng tulong kung alam mo naman na meron ka pang magagawang paraan?”

“Kunsabagay…e bakit naman nagpalabas ka agad ng ospital?”

“Bakit pa’ko magtatagal do’n kung okay naman na yung pakiramdam ko, lalaki lang ang bill, saka isa pa papasok na’ko sa work bukas.”

“What? Pero binigyan ka na ng one week leave ni boss para makapagpahinga ka muna!”

“Masyadong matagal ‘yon, baka namimiss na’ko ng mga listeners ko!”

“Ganern? O ganito na lang, sabihin mo kay boss ako na lang ang gagamit ng leave mo nakakasawa rin kaya sa trabaho!”

“Hindi pwede Menggay, ikaw ang p.a. ko kaya kapag nasa work ako dapat nando’n ka rin!” nakangiting sabi ni Dianne.

Maya-maya ay naputol ang kuwentuhan nila nang mapalingon sila ng sunud-sunod na katok mula sa pintuan.

“Ako na bhe!” boluntaryong tumayo si Menggay para buksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata nito nang bumungad sa kanya ang isang gwapong lalaki.

“Hi! Good evening, si Dianne Rivera, dito ba siya nakatira?”

“Oo, ako ang bff niya, sino ka at anong kailangan mo sa kanya?”

“I’m Michael San Luis, I just want to know if she’s really okay.”

“Ah ikaw yung superman na nagligtas kay Dianne! Come in!”

Natigilan si Dianne nang mapagsino ang bisita.

“Wait lang ha, ako na mismo ang gagawa ng juice para sa inyong dalawa!” ani Menggay.
Nang magkasarilinan ay saka lang nakapagsalita ang dalaga.

“I-ikaw si Michael?”

“Yes, and this is for you Miss Dianne!” sabay abot ni Michael ng bulaklak at basket ng prutas kay Dianne.

Related Posts

Nagkamay sila.

“Salamat pero hindi ka na dapat nag-abala ng ganito.”

“It’s okay, kumusta ka naman? Actually sa ospital kita pinuntahan pero sabi ng nurse nakalabas ka na raw.”

“Maupo ka muna.” Inilapag ng dalaga ang bulaklak at basket ng prutas sa center table.

Nang makaupo sila na magkaharap sa sofa ay saka muling nagsalita si Dianne.

“Okay na kasi ang pakiramdam ko kaya nagpalabas na’ko. By the way,thank you so much sa pagliligtas mo sa’kin…at kay Jimboy.”

“Ikaw ang nagligtas kay Jimboy, kundi dahil sa’yo baka na-trap na siya don sa banyo.”

“Ginawa ko lang naman ang dapat…” hindi mapakali si Dianne. May kung ano siyang nararamdaman sa tuwing magtatama ang paningin nila ng lalaki.

Ganoon din si Michael pero hindi ito nagpahalata.

“Teka, paano mo nga pala nalaman ang address ko?” tanong ng dalaga.

“I ask sister Greta. Tinawagan ko siya.“

“Kumusta naman daw sila?”

“Okay naman, actually may binabalak silang malaking event kapag naipagawa na ulit ang foundation house, kasama sa event ang mga taong gusto nilang parangalan, hindi pa nila sinasabi pero I guess isa ka na ro’n.”
“What?”

“Why not diba?”

“Pero paano nga ba nagkasunog? Ang nakita ko kasi sa kusina nanggaling eh…”

“Oo tama ka, naiwan ni sister Paloma ang niluluto niya, balita ko nangumpisal na siya kay father Jamir tungkol do’n.”

“Ah, gano’n ba…ikaw, balita ko ikaw ang bagong representative ng Emerton company?”

“Yes, ang malas nga ng first time kong pagbisita sa foundation, but it was also a blessing in disguise kasi nakilala kita.”

Napangiti si Dianne dahil sa sinabi ng lalaki.

“I think you’re right, dahil tingin ko magiging mabuti tayong magkaibigan.” Sagot ng dalaga.

“Yes we will.” Nakangiti rin namang tugon ni Michael.

Muling lumapit sa kanila si Menggay dala na ang dalawang baso ng juice.Iniabot ni Dianne ang isa kay Michael. Habang umiinom ng juice ay muling nagtama ang paningin nilang dalawa at halos sabay din silang nagbaba ng paningin. (Itutuloy)