Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 233

(Huling labas)

Sa garden ng foundation house napiling mag-usap nina Dianne at Michael. Sa pagtatama ng mga mata ay nagkailangan pa ang dalawa.

“Kumusta ka?” basag ni Michael sa namagitang katahimikan.

“Eto, okay lang, nadagdagan lang ang edad ko pero wala namang nagbago sa’kin…”

“Meron, mas maganda ka ngayon.” Nakangi­ting sabi ng lalaki.

“Bola.”

“Hindi a, totoo ‘yon!”

Muli ay namagitan ang katahimikan.

“Anong ikinamatay niya?” naisipan itanong ni Dianne na ang tinutukoy ay si Veronica.

Related Posts

“Cancer of the brain…”

“I’m sorry for that, n-napatawad na ba niya ko?”

“Oo naman, kaya nga ginusto niya na ma­ging masaya ako, dahil napatawad na niya tayo… Dianne, tinupad ko ang pinag-usapan natin noon, bumalik ako sa pamilya ko at inalagaan, minahal ko sila… kahit pa may kulang sa akin ginawa ko ang lahat para sa kanila… but now I have a chance sana tanggapin mo ako ulit…”

“‘Yung sinabi mo on air… galing ba sa puso ‘yon?”

“I swear! Galing dito.” Itinuro ni Michael ang puso niya.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga.

“Kung napatawad na niya tayo at wala na ­tayong iba na masasaktan, ano pa ba ang idadrama natin, Oo Michael, mahal pa rin kita… walang kulang, kundi labis!”

Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni ­Michael na hagkan at yakapin ang dalaga.

On air.

“Sa lahat ng mga nakatutok sa ating programa ngayon, iiwanan ko kayo ng isang napakagandang mensahe ng pag-ibig, it goes like this, Love is magic, the more we hide it, the more it shows, the more you suppress it, the more it grows… And those who don’t believe in magic, will never find love, because love is magic, and magic is love. Muli ito po ang inyong beloved dj, Dj Dianne! Problemang puso ba? Pag-usapan natin ‘yan! Bukas po ulit ng gabi, same time, same station the number one LOVE RULES! Goodnight everyone!”

Makalipas ang isang taon ay ikinasal sina Michael at Dianne. Saksi ang kanilang mga pamilya at kaibigan sa bagong pag-ibig na handa nilang yakapin hanggang sa kailanman. Tunay ngang mas masarap ang lasa ng pag-ibig kung ito ay pinatatag na at pinatibay ng mga pagsubok. (Wakas)