Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 230

Ika-3 na labas

“Yes, pero nahihiya pa rin ako!”

“OMG! Sira ka talaga, para makabawi ka sa’kin, bakit hindi mo na lang gawin yung bagay na makakapagpasaya sa’kin ngayon?” sabay kawit ni Veronica ng mga kamay niya sa leeg ng asawa.

“I think you’re right, gawin natin ang bagay na makakapagpasaya sa ating dalawa…” malambing na tugon ni Michael habang marahang inihihiga sa malambot na kama ang asawa.

Ang kuwartong iyon ay nabalot ng kaligayang ang dalawang pusong umiibig lang ang nakadarama. Isang kaligayahang magpapakagat ng labi ni Veronica at magpapapikit sa kanya dulot ng bawat indayog ni Michael sa ibabaw niya. Hanggang sa kapwa nila maabot ang kaluwalhatiang nakapagpagaan ng labis sa kanilang pakiramdam.

KRIIIIINNNGG! Dinampot ni Dianne ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa habang humihigop siya ng kape.

“Hello?”

“Dianne si Charlie ‘to, I’m sorry kung naistorbo kita, makikiusap sana ako sa’yo na kung pwede ikaw na muna ang gumora do’n sa event natin sa foundation, masama kasi ang pakiramdam ko eh…”

Once a month kasi ay nag-oorganize ang station nila ng isang event sa Yakap foundation kung saan mga ulilang bata ang kinakalinga. Palitan sila ng kapwa DJ niyang si Charlie sa pamumuno dito every month.

“Ano pa nga ba, pwede ba naman akong mag-No? saka isa pa namimiss ko na rin naman yung mga kids!”

“Thank you so much! I love you Dianne!”

Dahil sa narinig ay napahiyaw si Dianne sa sobrang tuwa, pero wala nga lang sound. Long time crush kasi niya si Charlie, iyon nga lang deadma ito sa beauty niya kaya sinasarili na lang niya ang paghanga para dito.

After sa foundation ay dumaan sa isang kilalang lugawan si Dianne. Ibinili niya si Charlie ng arozcaldo dahil nga masama raw ang pakiramdam nito.

“Hmmm, amoy pa lang siguradong bubuti na ang pakiramdam ni Bebe luvs ko dito!”

Matapos niyang mag-doorbell ay bumungad sa kanya ang kasambahay nina Charlie.

“Ma’am Dianne, kayo po pala!”

“Idinaan ko lang itong arozcaldo para kay Charlie, teka napainom mo na  ba siya ng gamot? Masama pa ba ang pakiramdam niya?”

“A-ano po? E kakaalis lang po ni Sir Charlie, sinundo nga po siya rito ng dyowa niya, si Lilibeth, may date ata sila!” kakamot-kamot sa ulong sabi ng kasambahay.

Related Posts

“Date? Diba masama ang pakiramdam niya?”

“Ewan ko po, kaninang umaga kasi pagkagising niya nag-jogging siya tapos nag-almusal, tapos may kinausap sa telepono, tapos maya-maya dumating na si Ma’am Lilibeth, nagkulong sila sandali sa kuwarto bago sila umalis, tapos..”

“Wait, wait, wait, enough na okay, I’ll go ahead na, ikaw na lang ang kumain nitong arozcaldo, masarap ‘yan!” Sabay talikod ni Dianne pagkaabot sa kasambahay ng arozcaldong nasa supot.

Gabi.

“Okay guys, our quotes for tonight, here it goes…Giving someone the best of you and watching them choose someone else…that really hurts, but sometimes, you have to try not to care, no matter how much you do. Because sometimes, you mean nothing…to someone who means everything to you…”

Ang quotes na binanggit ay hindi lang para sa mga listeners kundi para din ito mismo kay Dj Dianne na sobrang nakaka-relate sa bawat words nito. Labis kasi niyang ipinagdaramdam ang kawalan ng pag-asa ng puso niya sa lihim nitong tinatangi na si Charlie.

Matapos ang pagbibigay ng mensahe ay nagpatugtog muna ng tatlong love songs na sunud-sunod si Dianne.

“Bhe, sinasabi mo bang nagkabalikan na sina Charlie at Lilibeth? Diba nahuli ni Charlie na may iba pang bf ang babaeng ‘yon bukod sa kanya?” kunot-noong tanong ni Menggay.
“Malamang pintawad na niya, kaya nga nagde-date na ulit sila eh…” sabay buntong-hininga ni Dianne.

“Hay naku bhe, pag nakita ko ang lukaret na ‘yon, kakalbuhin ko talaga siya!”

“What for?”

“Para sa’yo! Alam ko naman na masakit diba?”

“Ikaw ang lukaret! Okay lang sa’kin ‘yon, ke sila pa ni Charlie o hindi wala namang magbabago sa pagtingin sa’kin ni Charlie bilang kaibigan at katrabaho kaya deadma na lang sa isyu nila.”

“Okay, sinabi mo eh…buti pa yung caller mo na si Michelle ano, happily ever after na!”
“Good for her, siguro destiny talaga sila nung bf niya!”

Ang gabing iyon ay napuno ng kalungkutan dahil sa mga love problems na idinadaing ng mga listeners ni Dianne.

Sa kabila naman ng mga mabubuting payo ay ramdam na ramdam ng dalaga ang emptiness dahil sa sariling love problem kaya naman relate na relate siya sa mga callers.

Mabilis na nalagas ang tangkay ng panahon.  Dalawang taon na agad ang lumipas. May sariling bahay na ang mag-asawang Michael at Veronica.

Isang sanggol na babae na rin ang nagpapatibay ng kanilang relasyon . Samantalang loveless pa rin si Dianne.

Valentines day. Nakatakda iyong i-celebrate ni Dianne sa Yakap Foundation.

“Sister Paloma okay na po ba ang lahat, baka po may kailangan pang gawin?” (Itutuloy)