Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 213

Ika-29 na labas

“Just call me Mr. Blue…”

“Wow, Mr. Blue! Okay ano bang problemang puso ang gusto mong i-share sa amin?”

“Tungkol sa true love ko…matagal na kaming nagkalayo pero hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso’t-isipan ko, hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa buhay niya o kung maibabalik ko pa ba ang dating kami…”

“You know what Mr.Blue, simple lang naman ang sagot ko diyan, kung mahal mo siya go ahead and tell her, malay mo naghihintay lang din pala siya sa pagbabalik mo or else may mga balakid pa sa pagmamahalan nyo.”

“Sa part ko wala na…hindi lang ako sure sa kanya kung may nagmamay-ari ng iba sa puso niya…”

“Paano mo malalaman kung hindi mo aalamin? I think the best thing to do is puntahan mo siya and talk to her. Gano’n lang naman kasimple. Just in case na meron na siyang iba or wala ng katugon ang damdamin mo sa kanya, maliwanag pa sa sikat ng araw na kailangan mo ng mag-move on. But if her feelings for you is still the same , aba e don’t waste time, follow what your heart says!”

“Dj Dianne, susundin ko ang payo mo…but I guess hindi ko na siya kailangang puntahan, let me just ask her NOW kung mahal pa niya ako…”

“Now? As in? bakit katabi mo ba siya, malapit lang ba siya sa’yo, how?” naguguluhang tanong ng dalaga.

“She’s just listening to me right now…”

“Pero paano mo malalaman ang sagot niya?… Well, okay go ahead ask her, baka nga nakikinig siya at itext ka niya or tawagan ka niya kung anuman ang kasagutan niya!”

“No, hindi na niya kailangang magtext or tumawag, dahil ang true love ko ay kausap ko na mismo ngayon…”

Saglit na natigilan si Dianne.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“It’s me, Michael…Dianne, I miss you so much…I hope na nandiyan pa ako sa puso mo…”
“M-Michael?”

“My wife is gone almost two years ago…and before she died, she said that she wants me to be happy with the one I truly love…though I respect her, hindi ko mapigilan ang puso ko na isipin ka. God knows how I’ve tried na kalimutan ka, but still,mahal na mahal pa rin kita…”

Related Posts

Hindi makasagot si Dianne. Tumingin siya kay Menggay na parang nagpapasaklolo. Hindi rin naman malaman ni Menggay kung ano ang dapat na maging reaction niya, nabigla rin kasi siya.

“Dianne, hindi mo kailangang sumagot ngayon, I’m willing to wait, kahit gaano pa katagal.”
“Okay Michael, sorry nabigla ako, pero I’m sorry talaga, I don’t know what to say, so please…”

Iba’t iba ang naging reaction ng mga listeners sa mga narinig nila.

“Dj Dianne ‘wag mo siyang babalikan, minsan na niyang sinira ang buhay mo!”

“Dj, I think it’s time for you to be happy, give him one last chance tutal naman single na pala siya and beside ang wife na rin niya ang nagsabi na gusto siya nitong lumigaya sa totoong mahal niya.”

Marami pang mensahe ang natanggap ni Dianne mula sa mga listeners niya na nagmamalasakit. Ganoon din ang mga personal friends niya. At ang kanyang pamilya.

“Dianne…kung malaya na pala siya…at siya pa rin ang nandiyan sa puso mo, hindi ka na namin pipigilan, ang ayaw lang naman namin eh yung may mga tao na nasasaktan dahil sa pagmamahalan nyo, siguro nga dumating na yung tamang panahon para sa inyong dalawa, at least nagdesisyon ka naman ng tama noon, kaya karapatan mo naman sigurong lumigaya na ngayon…” ang mama ni Dianne habang magkakaharap sila sa hapunan sa bahay ng mga ito.

Tumayo si Dianne at yumakap sa ina.

Bago magdesisyon ay pumasok muna sa simbahan si Dianne at nanalangin.

“Lord, hindi naman po sikreto sa inyo na mahal ko pa rin si Michael hanggang ngayon, kahit na­ging napakasakit ng pagdedesisyon ko dati heto siya ngayon at ibinabalik nyo sa’kin…sana po hindi ako magkamali ng desisyon sa pangalawang pagkakataon…sana this time ay maging karapat-dapat na kami sa isa’t isa…please guide us, and bless our relationship…”

Nakipagkita si Dianne kay Michael sa foundation house. Nabigla pa siya ng isama ni Michael si Candy.

“CANDY!” nakangiting bati ni Dianne sa bata.

“Tita Dianne! Papa siya po si Tita Dianne yung kinuwento ko sa inyo!” excited pang yumakap si Candy sa dalaga.

“Kilala ko na siya, matagal na!” si Michael.

“Talaga po, pa’no kayo nagkakilala?”

“Saka ko na ikukuwento sa’yo, sa ngayon, laro muna kayo ni Jimboy ha, may pag-uusapan lang kami ng Tita Dianne mo.”

“Opo papa!”

“Candy, mamaya magkuwentuhan tayo ha!” habol pa ni Dianne sa bata na tumango at ngumiti sa kanya habang naglalakad palayo kasama si Jimboy na medyo lumaki na. (Itutuloy)