Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 213

Ika-27 na labas

“Saan mo naman nasagap ‘yan?”

Abante Hiring – IT dep

“Saan pa e ‘di sa net, ini-stalk ko kasi ‘yung fb at IG nu’ng girl at doon ko nakita sa mga post niya!”

“Wag mo na ulit gawin ‘yon, hayaan na natil sila, let’s just be happy for them.”

Hindi na kumibo si Menggay.

Deep inside ay hungkag na hungkag pa rin ang pakiramdam ni Dianne. Kahit pa yata isubsob niya ang sarili sa trabaho ay hindi nito maiibsan o mababawasan man lang ang bigat na nararamdaman ng puso niya. At kahit pa yata ilang libong quotes ang basahin niya everyday para malinawan siya ay hindi nito makakayang pagtakpan ang tunay na nararamdaman niya. Sa tingin niya, panahon na lang ang makakapagsabi kung hanggang kailan niya papasanin ang bigat na ito sa dibdib, siguro hanggang sa dumating ang tao na inilaan ni Lord para sa kanya.
Makalipas ang limang taon.

Coffee shop sa loob ng isang mall sa Makati. Magkasama sa table for two sina Dianne at Menggay.

“Dianne, sure ka ba, wala ka man lang nagustuhan sa mga naka-blind date mo last week?” kunot-noong tanong ni Menggay.

“Wala, as in, zero, pwede ba tigilan na natin ‘to, nabubuhay naman ako maski walang lovelife!” kunot-noo ding sagot ni Dianne.

“Masama bang mag-alala, 30 ka na bhe, pero ni boyfie wala ka, buti pa’ko, kahit guard lang at least meron.”

Napangiti si Dianne.

“Masaya ko para sa’yo, i-enjoy mo na lang kung anong meron ka, at ako, i-eenjoy ko na lang din ang buhay ko, even without special someone!”

Related Posts

“A basta, tuloy pa rin ang mga blind date!”

“Lukaret ka talaga, ayoko na, hindi na ako sisipot!”.

Tumayo si Menggay at nagpaalam.

“Restroom lang ako ha.”

Mula sa glass wall ng coffee shop ay nahagip ng paningin ni Dianne ang isang batang babae na tila naliligaw. Palinga-linga ito na parang may hinahanap. Napakunot-noo si Dianne at inobserbahan ang galaw ng bata. Nang magsimula itong umiyak ay hindi na nakatiis ang dalaga, tumayo siya at lumabas mula sa coffee shop. Nilapitan niya ang bata.

“Hi little girl, bakit ka umiiyak?”

Tumingin sa kanya ang batang babae na saglit tumigil sa pag-iyak.

“Hindi ko makita si papa!”

“Gano’n ba, teka,sa’n mo ba siya huling nakita?”

“Kasama ko siya sa bookstore, tapos lumabas ako at pumunta sa kaharap na toy shop, pagbalik ko sa bookstore wala na siya!”

Tumingin si Dianne sa isang bookstore sa loob ng mall na ‘di kalayuan sa kinatatayuan nila.

“Ah, mabuti pa bumalik tayo do’n sa bookstore, kasi baka hinahanap ka na niya, siguradong magpapabalik-balik siya do’n kapag hindi ka pa niya nakita, let’s go!”

Nag-aalangan man ay napilitan pa ring sumama sa kanya ang batang babae na nasa pitong taong gulang ang edad. Dahan-dahan itong kumapit sa kamay niya. (Itutuloy)