Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 230

Ika-26 na labas

“Sige, matulog ka na… sana kahit sa panaginip tayong dalawa ang magkasama.”

“Good night… sweet dream sweetie…” Malungkot na tugon ni Dianne.

Sa isip nilang dalawa, sana hindi na matapos ang gabing iyon. Sana manatili na lang sila sa ­piling ng isa’t isa… kung pwede lang… kung wala lang sanang hadlang.

Sunset. Magkatabing naupo sina Michael at Dianne sa buhanginan. Gusto nilang panoorin nang sabay ang paglubog ng araw.

“Dianne, eto na, palubog na ang araw… katulad ng pag-ibig nating dalawa… nakakalungkot ‘diba?”

“Hugot pa more! ‘Wag ka na ngang mag-drama diyan, maging masaya na lang tayo sa kung ano ang nabuo nating mga memories.”

Tumingin si Michael sa dalaga.

“Hindi ako nakikiuso, pero kung hugot man ang tawag do’n , e ‘di wow! Hinugot ko naman talaga ‘yon dito sa damdamin na nagmula sa puso ko e…masaya ka ba sa ending ng love story natin?”

Saglit na nag-isip si Dianne.

“Masaya ako sa love story na binuo nating dalawa… pero syempre hindi ako masaya sa kinahantungan nito… pero ito ang tama, ito ang dapat…kaya tanggapin na lang natin… someday, somehow tatawanan na lang natin ang mga pangyayari ngayon na pinagdadaanan natin…”

Inakbayan ni Michael ang dalaga at isinandal ang ulo nito sa balikat niya.

“Salamat Dianne, salamat sa pagmamahal…salamat sa pagkakataong ibinigay mo sa’kin… ang pinakamasayang yugto sa buhay ko ay ang mga yugtong kasama kita… at salamat dahil sa kabila ng mga pagkakamali ko, nagawa mong ibigay sa akin ang kapatawaran…”
Tumingin si Dianne kay Michael at pinahid ang luha nito.

“Ano ba, ‘wag ka ngang umiyak diyan, isipin mo na lang na panaginip lang ang lahat, at kailangan mo nang magising para makapagpatuloy ka sa buhay mo… gano’n din ako.”

Natawa si Michael.

“Kung magpayo ka parang ganon lang kadali ang lahat, pero sige, susundin ko ang payo mo Miss Dj! Sana lang maging mas masaya ka nang wala ako at sana makatagpo ka ng lalaking karapat-dapat sa pagmamahal mo…”

Related Posts

Hindi tumugon si Dianne. Sa halip ay yumakap siya sa beywang ng lalaki. Mahigpit, upang maipadama rito ang pagsang-ayon niya sa sinabi nito. Yakap din iyon ng pagmamahal na palagi niyang aalalahanin sa puso niya.

Magkasabay silang umalis sa beach resort na iyon. Subalit ang pagsasabay nila ay hanggang sa terminal lang.

“Sweetie, mag-iingat kang mabuti… ‘wag mong kakalimutan na palagi akong nandito para sa’yo…” si Michael habang nagpapaalam hawak ang kamay ng dalaga.

“Oo, gano’n din ako sa’yo… O pa’no, wala tayong choice, kailangan na nating maghiwalay ng landas… ngayon na…” mapait ang ngiting sabi ni Dianne.

Hinagkan ni Michael sa noo ang dalaga bago ito inalalayan sa pagsakay sa bus pa-Manila. At saka siya sumakay sa ikalawang bus.

Hindi na sila lumingon pa sa isa’t isa. Parehong mabibigat ang bawat hakbang, kasing-bigat ng damdamin sa huling pagkakataon na iyon ng kanilang pagsasama. Sumabay sa pag-andar ng sasakyang maglalayo sa kanila ang pagpatak ng kanilang mga luha.

“Paalam puso…” bulong ni Dianne sa sarili.

“Hindi ako magpapaalan sa’yo Dianne, dito ka lang sa puso ko… nandito ka lang palagi…” sa isip naman ni Michael.

On air.

“Good evening listeners! It’s me, Dj Dianne…I’m back for good! nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga natanggap kong message sa mga net ­account ko, thank you so much guys, well that’s life, and masaya po ako ngayon dahil I finally get over the super stress days of my life.

Sabi nga sa isang quotes, you may not always end up where you thought you were going, but you are always end up where you are meant to be! Tama naman po ‘yon, and no matter what other people think, I know that God made me the way I am for a reason… tatlong salita lang po ang nagpapatibay sa’kin ngayon, LIFE GOES ON… at dahil diyan, nandito po akong muli, kumakatok sa mga puso n’yo at sana ay muli n’yo akong pagbuksan, para naman po kung meron ka­yong mga PROBLEMANG PUSO, PAG-USAPAN NA NATIN ‘YAN!”

Matapos iyon ay nagsalang muna ng unang love song si Dianne.

“Bhe, sobrang happy ko talaga kasi nakaahon ka na mula sa kumunoy!’ si Menggay.

“Kumunoy ka diyan, grabe naman ‘yon! naisip ko lang kasi, sa dami ng blessings ko sa buhay, kalabisan na siguro kung aangkinin ko pa ang hindi naman para sa’kin…”

“Korek! Kaya naman proud na proud ako sa’yo bestfriend!e knows mo na ba?”

“Ang alin?”

“Nag-fly na sa America si Michael kasama ang fa­mily niya, iyon daw ang gusto ni Veronica para makuha niya ang peace of mind na gusto niya.” (Itutuloy)