Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 230

Ika-25 na labas

 “O sige, payag na’ko…papayag na akong tapusin natin ito, pero sana bigyan mo pa’ko ng kahit isang linggo na lang na makasama ka…tulad ng dati…ako at ikaw lang…”

Abante Hiring – IT dep

“Anong ibig mong sabihin?” napalingong tanong ng dalaga.

“Tayong dalawa, isang linggong puno ng pag-ibig, gusto kong gumawa tayo ng magandang memories bago tayo tuluyang maghiwalay…parang awa mo na, hayaan mong mahalin kita kahit sa loob na lang ng isang linggo…”

Hindi makapaniwala si Dianne sa kondisyong hinihingi ni Michael. Pero ano nga ba naman ang isang linggo, sa bilis lumipas ng araw ay ipagkakait pa ba niya ito?

Kausap ni Dianne si Nadia sa loob ng isang cottage na nakaharap sa dagat.

“Dianne, sigurado ka ba? Marami pang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo, baka sa halip na maka-recover ka , ala e, lalo ka pang malugmok diyan sa problema mo?”

“Hindi naman si­guro…hanggang dito na lang ang pagmamahal ko kay Michael, at kapag natapos na ang isang linggo na hinihingi niya…ibabaon ko na sa limot ang lahat…babalik na ako sa trabaho at magsisimula ng panibagong buhay… ng wala siya sa buhay ko…” anang nakahalukipkip na si Dianne.

“Ala e, ano pa nga bang magagawa ko kung iyan ang desisyon mo…basta ingat lang.”

Nagsimula na ang ­unang araw ng isang linggong hiniling ni Michael kay Dianne. Sinamahan ni Dianne ang lalaki sa kuwartong inupahan nito. Ginawa nila ang mga dati nilang ginagawa noong sila pa.

“Alam mo, try natin ‘tong leche plan, parang nasa mood kasi akong kumain ng dessert eh!” si Dianne habang nagu-google ng malulutong pagkain.

“O sige, parang gusto ko rin eh!

Matapos gumawa ng leche plan ay naglaro naman sila ng chess. Nang magsawa ay magkatabi silang nahiga sa kama habang nanonood ng dvd na hiniram nila kay Nadia.

Nasa kalagitnaan na ang palabas nang hawakan ni Michael ang isang kamay ng dalaga.

“Dianne, sana palagi na lang tayong ganito no?”

Related Posts

Tumingin si Dianne sa lalaki.

“Wag mong kalimutan ang napagkasunduan natin…” paalala ng dalaga.

“I know, kaya nga sabi ko SANA eh…” sabay buntong hininga ni Michael.

Saglit na katahimikan.

“Dianne…napatawad mo na ba’ko?” tanong ni Michael na hindi binibitawan ang kamay ng dalaga.

“Anong klaseng tanong ‘yan? Kaya nga ako pumayag sa hiling mo diba? isa pa, gusto ko ring magkaroon  tayo ng maayos na closure.”

Muling natahimik si Michael. Sinulyapan niya si Dianne na nakatutok ang paningin sa palabas. Tinitigan niya ito hanggang sa makuha niya ang buong atensyon nito.

“Iyang mga titig mo, parang may ibig sabihin…” mahinang sabi ng dalaga.

“Meron nga…pwede ba? For one last time?” halos pabulong na tugon ni Michael.

Hindi tumugon si Dianne pero hinayaan niya si Michael na dampian nito ng halik ang mga labi niya. Isang masuyong halik na hindi niya maikakailang hinanap-hanap rin niya noong mga nakalipas na araw.

“I love you Dianne…” bulong ni Michael at saka ipinagpatuloy ang paggawad ng halik sa dalaga maski hindi ito tumugon sa i love you niya.

Habang tinatanggap ang masuyong halik ni Michael ay napapikit at napaluha si Dianne. Sa muling pagkakataon ay niyakap niya ang pag-ibig na iyon. Tinugunan niya ang tawag ng nag-aalab na damdamin at pinagbigyan niya ang pagsusumamo ng kanyang puso.

Kaya naman ang cottage room na iyon ay napuno ng pagmamahalang silang dalawa lamang ang nakakaunawa. Isang pagmamahalan na hindi kayang maintindihan ng iba dahil sa maling direksyon nito.

Matapos ang mainit na pagniniig ng dalawa ay nanatili silang nakahiga sa kama nang walang saplot. Nakaunan si Dianne sa braso ni Michael. Kapwa tahimik at tila ninanamnam ang bawat segundong lumilipas sa piling ng isa’t isa…

Maya-maya pa ay binasag ni Michael ang katahimikang bumalot sa kanila.

“Dianne, kahit ano pang mangyari sa hinaharap nating dalawa… ‘wag mo sanag kalimutan na minahal kita…at patuloy kitang mamahalin kahit pa magkalayo tayo…”

“Ikaw rin…’wag mong kakalimutan na nandito ka sa puso ko…kahit pa mawala ako sa tabi mo.”(ITUTULOY)