Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 232

Ika-22 na labas

“Michael, hijo,kaya lumayo si Dianne ay para makapag-isip-isip, hayaan na muna natin siya…kung talagang mahal mo siya ibibigay mo sa kanya ang kalayaan na nararapat lamang para sa kanya. Huwag mo siyang ikulong sa pag-ibig na hindi para sa kanya.Huwag mo siyang pahirapan…”

“Pero sister, kung nahihirapan siya, nahihirapan din ako dahil mahal na mahal ko siya, maski ang sa­rili ko hindi ko mapalaya sa pag-ibig ko sa kanya…”

“Tumawag ka lang sa kanya, makikinig siya sa’yo at didinggin niya ang mga panalangin mo.” Sabay turo ng madre sa imahe ni Kristo.

Hindi pa handang sumuko si Michael. Pangalan ng anak ang gamit niya sa fb kaya hindi siya na-search dati ni Dianne. At ngayon ay muli siyang nag-open ng fb para hanapin naman si Dianne na ang tanging pinanghahawakan niya ay ang narinig niyang pangalan ng kaibigan nito na si Nadia. Kailangan niyang malaman kung saan ang location ng beach resort ng Nadia na ‘yon.

Dalawang Nadia ang lumabas sa mga friends list ni Dianne na hindi naka-private. Ang unang Nadia na na-search niya ay nasa Guam at wala itong resort, nagkaroon siya ng pag-asa sa ikalawang Nadia na nakita niya. Naka-timeline cover kasi nito ang pag-aaring beach resort sa Batangas.

“BINGO!” tuwang-tuwang bulalas ni Michael.

Walang inaksayang sandali si Michael.

“Michael saan ka pupunta?” si Veronica habang hinahabol ang asawa na may dalang bagahe palabas ng bahay.

Huminto sa paglakad si Michael at humarap sa asawa.

“Veronica, ito ang mas makakabuti para sa ating dalawa.”

“Ang maghiwalay? Paano ang anak natin?”

“Huwag nating idamay si Candy, ikaw at ako pa rin ang mga magulang niya.”

“Habang naghihirap ang kalooban ko dito at habang nagpapakasaya ka sa piling ng babae mo? Sa tingin mo ba hindi siya maaapektuhan?”

“Veronica, I’m really sorry, pero buo na ang desisyon ko…patawarin mo sana’ko…”

Saglit na namagitan ang katahimikan. Tinitigan ni Veronica ang asawa at sa pagtitig niya rito ay tila hindi na niya mababago pa ang desisyon nito.

“Give me tha car key…” matigas na sabi ng babae.

Related Posts

Naiiling namang dinukot ni Michael sa bulsa ang susi ng kotse at iniabot iyon sa asawa. Si Veronica kasi ang bumili ng kotse para sa kanya.

Patalikod na si Michael nang marinig niya ang tinig ng anak.

“PAPA!”

Patakbo itong lumapit sa kanya. Naupo siya nang paluhod para maabot ito at saka niyakap.
“Candy, be a good girl to your mama okay? may pupuntahan lang si papa, but I’ll be back for you…“

Sa muling pagkakataon ay umagos ang luha ni Veronica. Kinuha niya ang anak at inilayo kay Michael. Nabalot naman ng lungkot ang puso ni Michael habang palayo sa kanya si Candy karga ng ina. Pero buo pa rin ang pasya niya. Susundan niya si Dianne.

Batangas.

Tahimik na pinapanood ni Dianne ang paglubog ng araw habang nakasalampak siya ng upo sa buhanginan. Kahit na malungkot para sa kanya ang ganitong tanawin ay tila kakaibang pakiramdam naman ang naihahatid nito sa puso niya.

“Dianne…”

Ang pamilyar na tinig na iyon ang nagpalingon sa kanya, kasunod ang kaba sa dibdib na hindi niya napigilan nang makita ito.

“M-Michael?” napatayo siya.

Marahan ang bawat hakbang ni Michael palapit sa kanya.

“Sorry ha, sorry kung nagambala ko ang pananahimik mo…” anito nang makalapit sa kanya.

“Anong bang ginagawa mo rito, paano mo nalamang nandito ako? Kung narinig mo man ang pag-uusap namin ni Sister Paloma sigurado akong hindi niya ako ipagkakanulo.”

“Tama ka, lahat sila naging loyal sa’yo, kasi pinoprotektahan ka nila, naiintindihan ko naman ‘yon…kaya lang handa akong gawin ang lahat ng paraan makita lang kita ulit…narinig ko ang pa­ngalang Nadia at beach resort sa pag-uusap nyo kaya nag-search ako…at heto na ko ngayon!”

“Umalis ka na Michael, bumalik ka na kung saan ka nararapat.” Sabay talikod ng dalaga.

“Please Dianne, ‘wag mo akong ipagtabuyan…nakipaghiwalay na’ko sa kanya…ikaw ang mahal ko…”

Nilingon ni Dianne ang lalaki.

“Akala mo ba porket nakipaghiwalay ka na sa kanya ay pwede na ulit tayo? Lalo mo lang dinagdagan ang pagkakamali natin, sinira mo ang pamilya mo para sa’kin, sa tingin mo matatahimik ang konsensya ko?”

“Pero Dianne, hindi ko kayang mawala ka sa’kin, parang awa mo na, pabalikin mo ako sa buhay mo, magsimula tayo ulit, yung malayo sa kanilang lahat!” (Itutuloy)