Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 227

Ika-20 na labas

Binawi ni Veronica ang mga kamay. Iyon na yata ang pinakamasakit na narinig niya mula kay Michael. Naiiyak at naiiling na tinalikuran niya ito.

Abante Hiring – IT dep

Inulan ng mga basher si Dianne kaugnay ng mga naging pahayag ni Veronica sa radio.

Kaya naman hindi alam ni Michael kung paano niya sisimulang magpaliwanag at humingi ng tawad sa dalaga. Pinuntahan niya ito sa apartment. Naabutan niya itong pasakay na sana ng kotse pero natigilan nang makita siya. Halata ang pamumugto ng mga mata nito.

“Dianne…”

Hindi kumibo si Dianne, nagtatanong ang mga matang nakatitig sa lalaki.
Lumapit si Michael.

“Dianne, I’m ­sorry…”

“No please, sabihin mo sa’king hindi totoo ang lahat… sabihin mo na nagsisinungaling lang siya…” sa huling pagkakataon ay kinapitan pa rin ni Dianne ang pag-asang siya lang ang babae sa buhay ng nobyo.

“Ako ang nagsinu­ngaling sa’yo Dianne, pero hindi ko intensyong lokohin ka… una pa lang kitang nakita minahal na kita… at ngayon mahal na mahal na kita… patawarin mo sana ko… hindi ko kakayaning mawala ka sa’kin…”

“Michael… ‘wag mong sabihin ‘yan, pakiusap, hindi ko matatanggap… sabihin mo sa aking hindi totoo ang lahat…” nagsimulang mangilid ang mga luha ni Dianne.

Niyakap ni Michael ang dalaga.

“Handa kong talikuran ang lahat para sa’yo… kahit pa itakwil ako ng mundo…” seryosong sabi ni ­Michael.

Hindi na napigilan ni Dianne ang tuluyang pag-iyak sa balikat ng lalaki. Kahit pa gaano siya kamahal nito kung ang katotohanan naman ay pag-aari na ito ng iba, wala ng saysay ang pag-ibig niya.

Kumawala siya mula sa mga yakap nito.

“Paano mo ito nagawa? Bakit? Ang sama mo, ang sama-sama mo!” kasabay ng mga binitawang salita ang sunud-sunod na paghampas ni Dianne sa lalaki. Hindi ito nagtangkang pigilan siya.

“Dianne, patawarin mo ko…”
“Patawarin? Ang sakit Michael, sobrang sakit! pinaniwala mo ko… pinaasa mo ko sa pagmamahal na kailanman hindi ko pala pwedeng angkinin!

Hindi kita mapapatawad!” ani Dianne sa gumagaralgal na tinig sa pagitan ng pagluha.
Nagmamadaling sumakay na ng kotse niya ang dalaga.

“DIANNE! ­DIANNE!” habol ni ­Michael.
Sige ang pag-iyak ng dalaga habang nagmamaneho ng kotse patungo sa trabaho. Pakiramdam niya ay nakadagan sa kanya ang bigat ng buong mundo ngayon. Mula sa lobby ng building ay sinalubong siya ni Menggay.

“Dianne, siguro dapat magpahinga ka muna, mag-leave ka.”
“Para magmukmok? Mababaliw ako kapag ginawa ko ‘yon Menggay!”

“Naiintindihan kita, pero… pero keri mo ba?”
“Kaya ko, ako pa?”

Related Posts

Subalit sa ayaw at sa gusto ni Dianne ay tila mapupuwersa siyang mag-leave. Pinatawag siya ng boss niya sa opisina nito.

“I think you need some break Dianne, hindi kita hinuhusgahan pero sa dami ng mga bashers mo malamang maapektuhan ang programa, nabasa mo na ba ang mga comments nila, karamihan below the belt, nagsasalita sila maski hindi nila alam ang buong istorya, pinaparatangan ka nilang kabit, malandi at wala silang pakialam, sasabihin nila kung ano ang gusto nilang sabihin!”

“Sir, kung matatakot ako sa kanila, para ko na ring inamin na totoo nga ang mga paratang nila, kailangan ko rin ipagtanggol ang sarili ko.”

“Gusto ko lang naman na makapagpahinga ka muna, makapag-isip, saka mo na lang i-explain ang sarili mo kapag malamig na ang issue.”

“Kapag wala ng makikinig sa’kin?”
“Pero Dianne…”

“Okay sir, magbabakasyon ako, pero ibigay n’yo muna po sa akin ang gabing ito.”
On air.

“Alam ko po na marami sa inyo ang nagtatanong kung ano nga ba ang tunay na mga pangyayari sa pagitan namin ni Veronica o mas nakilala natin bilang si Michelle, dito po sa ating programa.

Well, I didn’t know much about her except of what she confessed, but I actually like her as one of my beloved callers. Hanggang sa gabing ipagtapat niya ang katotohanang noon ko lang din nalaman at ako mismo hindi ko matanggap… sino ba namang tao ang agad-agad matatanggap na niloko siya ng taong minahal niya?

Tama kayo, minahal ko si Michael, at kaila­n­man hindi sumagi sa isip ko na pag-aari na pala siya ng iba. Pero hindi ako nagsasalita ngayon para humingi ng simpatya, gusto ko lang na kahit papa’no ay maintindihan n’yo rin ang pinagdaraa­nan ko.

Hindi ko ginustong makasakit ng iba habang ako’y masaya…pero dahil sa nangyari na ang lahat, siguro kailangan ko ng umpisahan na mag-move on tulad ng madalas kong ipayo sa mga broken-hearted kong callers… sa’yo Michelle, or Veronica, kung nakikinig ka man ngayon, Im sorry kung nasaktan kita… patawarin mo sana ko… well, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo, maybe this is just the point in my life that I have to turn the page, baka sa next chapter ng buhay ko ay makilala ko na ‘yung taong para sa akin.

So, that’s it! Sa lahat ng mga nakikinig sa’kin ngayon, thank you so much po for your time and God bless us all!”

Nakikinig nga si ­Veronica sa mga sandaling iyon habang nakasandal ng upo sa malaki nilang sofa.

I’m sorry rin Dianne… pero kahit na biktima ka lang din dito, hindi ko pa rin maalis ang galit at selos sa dibdib ko hangga’t hindi kami nagkakaayos na mag-asawa… after all, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit kami nagkaganito… kaya dapat lang siguro na magdusa ka rin tulad ko…” sa isip ng babae.

Iyon na ang huling gabi na umere si Dj Dianne. Tama ang boss niya, kailangan niya munang magpahinga. Dahil sa totoo lang ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Ayaw rin naman niyang maapektuhan ng pinagdaraanan niya ang trabaho niya.

Sa kabila nito ay wala siyang pinaunlakan maski isa man sa mga press na gustong mag-interview sa kanya. Para sa kanya, sapat nang nakapagsalita siya kahit papa’no on air at naiparating niya ang kanyang mensahe sa mga tagasubaybay.

Habang kaliwa’t kanan naman ang nag-interview kay Veronica tungkol dito.

Nagdesisyon si Dianne na magbakasyon muna sa isang beach resort sa Batangas na pag-aari ng high school friend niyang si Nadia.

“Basta ikaw Dianne, ala e, lagi kang welcome dito sa’min!” si Nadia na siya ring sumalubong sa kanya sa terminal.

“Pasensya ka na ha, kailangan ko lang talagang makalanghap ng sariwang hangin para ma-refresh itong utak ko!”

“Don’t worry, dito sigurado akong matatanggal ang lahat ng agiw diyan sa utak mo, at dito baka matagpuan mo ang bago mong pag-ibig!” ­nakangiting sabi ni Nadia habang pumapasok sila ng ­resort.

“Naku, ‘wag na lang muna siguro, kailangan ko munang paghilumin ang sugat sa puso ko ngayon.” (Itutuloy)