Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 230

Ika-2 na labas

Pero ipinangako niya sa sarili na kapag nakatapos na kahit dalawa lang sa kapatid niya ay pupursigihin naman niyang matupad ang pangarap niyang maging seaman.

Ang problema nga lang ngayon ay gusto na ng girlfriend niyang si ­Veronica na magpakasal sila. Sigurado siya sa sariling hindi pa siya handa.

Pero ­naisip niya, may kaya ang pamilya ni Veronica kung magiging mag-asawa sila malaki ang maitutulong nito para maabot niya ang pangarap. ­Gusto niyang maging katuwang ito maging sa pagsuporta sa kanyang pamilya. Kaya naman pumayag na siya sa kagustuhan ng nobya.

Isang kasalan nga ang naganap. Sinunod ni Veronica ang payo ni DJ ­Dianne na kausapin ang nobyo at kahit pa hindi naalis ang doubt sa dibdib niya ay ninais pa rin niyang matuloy ang kasal nila dahil sa labis niyang pagmamahal dito.

“Honey, are you happy?” tanong ni Veronica nang magkasarilinan na lang sila ni Michael sa condo niya.

Related Posts

“Of course I am, kaya lang…”
“Kaya lang ano?”

“Look honey, hindi tayo dapat nandito sa condo mo, dapat may sarili ta­yong bahay na mauuwian, pero alam mo namang umuupa lang ako ng apartment at nakita mo naman kung gaano kagulo do’n… ang totoo nahihiya ako sa’yo…”

“Ngayon ka pa ba mahihiya hon, look at our wedding ring, ito ang ­sagisag na tayong dalawa ay iisa na ngayon, kaya ang lahat ng sa akin ay sa iyo na rin, kaya itong condo na’to, atin na itong dalawa!”

“Thank you hon, pero…”

“Hon, bitawan mo na ang apartment na ‘yon, malaki naman itong condo ko at sarili ko ‘to kaya I guess hindi mo na kailangang umupa.”

Napangiti si Michael.

“Teka nga muna, diba napag-usapan na natin ‘to after nating magplano ng kasal?” natatawang tanong ni Veronica.

(Itutuloy)