Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 204

Ika-19 na labas

Nabigla si Dianne.

“Dj Dianne, did you get it?”

“Michelle, what are you talkin’ about? ”

“I am talking about my husband who happens to be your man. PLEASE… leave us alone.”

Madiin ang mga katagang binitawan ng caller ni Dianne.

Parang binuhusan ng bloke-blokeng yelo si Dianne sa narinig.

“A-are you kidding?”

“I wish it’s just a joke, but it’s not, ito ang katotohanang nagpapahirap ngayon sa kalooban ko.. at kahit  siguro ano pang pinakamagaling na payo ang sabihin mo sa’kin, hindi nito mababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon… alam mo man o hindi ang tungkol sa aming dalawa ni Michael, you have no choice but to leave us alone, alang-alang sa anak namin, pakiusap…”

Namutla si Dianne. Agad siyang sinaklolohan ni Menggay. Pinutol nito ang usapang iyon at pinalitan ng isang lovesong.

“Dianne, are you okay?”

“Okay? mukha ba akong okay, anong ­sinasabi niya?”

“Teka muna ha, ­gusto mo bang kausapin siya off the air?”

“Oo sige, kontakin mo siya, gusto kong malaman ang katotohanan sa sinabi niya.”

Sa mga sandaling iyon ay nakatutok din sa programa ni Dianne si Michael habang nagmamaneho  pauwi. Humigpit ang hawak nito sa manibela. Hindi makapaniwala sa mga narinig. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at malalim na nag-isip. Hindi pa siya handa para harapin ang problemang iyon.

Hindi na nakontak ni Menggay si Veronica kaya kinumbinsi na lang niya si Dianne na umuwi na muna at magpahinga.

Pero hindi iiwan ni Dianne ang trabaho niya para sa isang bagay na hindi pa niya tiyak. Kahit pa marami na agad ang nagbigay ng komento tungkol sa on air na usapan sa pagitan ng dj at caller niya. May mga nagbigay ng simpatya sa kanya meron din namang agad na nanghusga.

“Okay listeners, sorry for that, it’s just a mis­understanding between me and Michelle, well, what can I say,the show must go on, and still, ipagpapatuloy natin ang usapang ‘yan maybe tomorrow night. But for now, let me leave you this quote, ALWAYS END YOUR DAY WITH A POSITIVE THOUGHT, NO MATTER HOW THINGS ARE, TOMORROW IS ANOTHER CHANCE TO MAKE THINGS BETTER. Goodnight ­everyone!”

Nag-drive si Dianne pauwi. Habang nagmamaneho ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha. Hindi siya mapakali hangga’t hindi niya nakakausap si Michael. Pero hindi niya makontak ang phone nito.

“Hindi pwede… hindi pwedeng mangyari ‘to…”

Nang makarating sa harap ng apartment niya ay hindi muna siya bu­maba sa kotse. Sumubsob siya sa manibela at umiyak. Hinayaan muna niya ang sarili na mailabas ang sakit na nararamdaman niya.

Kinabukasan ay agad nakatanggap ng tawag si Dianne mula sa mama niya habang nakahiga pa siya sa kama.

Related Posts

“Anak, kumusta ka, totoo ba?”

“Ma, I’m okay, hindi pa kami nagkakausap ni Michael, but don’t worry about me, I can handle this.”

“Hindi ko maiwasang mag-alala anak, ang ­hayup na Michael na ‘yon, may asawa na palang tao!”

“Calm down ma, ako na pong bahala…”

“Sige anak, ­hahayaan kitang ayusin ang ­problemang ‘yan, pero paki­usap, ‘wag mong pababain ang sarili mo, make up your mind at gawin mo ang tama.”

“Opo ma…”

Matapos makausap ang ina ay si Menggay naman ang tumawag, sunod si Charlie. Pero si Michael ang hinihintay ng dalaga na tumawag sa kanya para magpaliwanag.

Samantala.

“Veronica! Veronica!” si Michael habang hinahanap ang asawa sa bawat sulok ng kabaha­yan nila. Sa isang bar kasi siya nagpalipas ng gabi.

Natagpuan niya ang babae sa terrace nila na naninigarilyo at nakatingin sa malayo. Tila hindi nito naririnig ang mga tawag niya.

“Veronica, bakit mo ginawa ‘yon?”

Hindi ito lumingon sa halip ay ibinalik nito ang tanong kay Michael.

“Ako ang dapat magtanong niyan diba, bakit mo ginawa sa’kin ‘yon?”

Humugot muna ng malalim na hininga ang lalaki bago tumugon.

“Kasalanan ko ang lahat… hindi mo siya dapat dinamay… she’s a public figure, hindi mo alam kung ano ang magiging epekto ng ginawa mo sa kanya… sa trabaho niya!” mataas ang boses na sabi ng lalaki.

Nilingon ni Veronica ang asawa.

“And now you’re protecting her?”

“Veronica… I’m ­sorry… hindi ko gustong saktan ka…” bumaba ang boses ni Michael.

“Pero ginawa mo pa rin!”

“Hindi ko sinasadya, maniwala ka…”

“My God Michael, how can you do this to me? Ibinigay ko ang lahat sa’yo, minahal kita ng totoo, pero sa kabila ng lahat nagawa mo pa rin kaming lokohin ng anak mo?”

Hinawakan ni Michael ang mga kamay ni Veronica at tiningnan ito sa mga mata.

“I just met her… at hindi ko ginustong mahalin siya nang higit pa sa pagmamahal ko sa’yo… patawarin mo ‘ko…” (Itutuloy)