Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 230

Ika-18 na labas

Humithit muna ng sigarilyo si Veronica at nagbuga ng usok bago muling tumugon.

“Kasal at anak, iyon na lang ba ang pinanghahawakan ko sa’yo, hawak ko pa ba ang puso mo or…”

“Stop it okay!” awat ni Michael sa sasabihin pa ng asawa. Saka tinalikuran ito.

Napapikit si Veronica. Dahil sa ipinakita ni Michael ay kumbinsido na siyang hindi na niya pag-aari ang puso ng asawa. Damang-dama niya ang pait. Pero hindi siya papayag na ito ang kahantungan ng pagsasama nila. Hindi niya ipamimigay si Michael na parang laruang pinagsawaan.

On air.

“Welcome back Michelle! You know what, ang dami na ring tumututok sa story mo here in my program, lahat sila nag-aabang kung ano na nga ba ang score ng iyong love story! Excited na rin akong malaman ‘yan kaya pag-usapan na natin ‘yan!”

“Salamat sa mga sumusubaybay…salamat din sa mga payo mo Dj Dianne, actually sinunod ko lahat ang payo mo eh…From plan A to plan C…yung plan D kasi hindi ko pa magagawa…hindi ko pa magagawang mag-move on hangga’t hindi ko pa naipaparamdam sa kanila yung sakit na ipinaramdam nila sa akin…”

“Okay, natatandaan ko ‘yon, plan A to plan D. Ibig sabihin pinagdaanan mo na lahat ‘yon?”
“Yes.”

“That was really sad,pero hindi solusyon ang paghihiganti. Wag mong sayangin ang oras mo,ang sabi nga sa isang quotes, THE BEST REVENGE IS JUST MOVING ON AND GETTING OVER IT, Ipakita mo sa kanila na you can be happy without them,and eventually they will face their own karma, wag mo silang bigyan ng pagkakataong makita ka na nagsa-suffer because of them, kailangan mo rin kasing isipin ang sarili mo.Love yourself.

Related Posts

You know,  bad things are always going to happen in life, people will hurt you, but you can’t use that as an excuse to hurt someone back. Because if you do, wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila. Show them that your life is much better after they’re gone. Trust  in God.”

“Easy to say, pero ang hirap gawin eh…do you think, magagawa mo rin ba ang mga ipinayo mo sa’kin ngayon?”

“If I we’re you?”

“If you… is YOU.”
Napatingin si Dianne kay Menggay . Kibit-balikat itong tumingin din sa kanya.

“Well…I’m just gi­ving you an advice, pero kung darating din sa akin ang problemang  tulad ng kinakaharap mo ngayon, maybe I will follow my own advice.”

“Really?… I think you have to.”

“Okay Michelle, meron ka pa bang gustong sabihin or i-share?” tila may ibang nararamdaman si Dianne sa mga salita ng caller.

“A lot…pero sa tingin ko kulang ang buong oras mo sa programang ito para sabihin sa’yo ang lahat ng nararamdaman ko…”

“For now, but marami pa naman tayong mga oras na pagsasamahan every night, lalo na at marami ka ng followers dito sa ating programa.Medyo bitinin muna natin sila!” biro pa ng dj.

“I know, pero hindi ko alam kung makakaya ko pang hintayin ang mga oras na ‘yon, para kasing sasabog na ang dibdib ko eh…”

“Gano’n ba? don’t worry my dear, we still have time pa naman for tonight, if we can help you this way to ease your pain at least, go ahead we’re listening!”

“Just one important thing to say…my real name is Veronica…Veronica Madrid San Luis a.k.a Michelle…the wife of Michael San Luis.” (Itutuloy)