Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 204

Ika-17 na labas

Ikinagulat naman ni Veronica ang larawang ipinakita sa kanya ng detective. Agad niyang binuksan ang laptop at hinanap sa fb ang pa­ngalang Dianne Rivera.Ikinumpara niya ang hawak na picture sa picture na nasa fb ng hina­hangaan niyang Dj. Dito niya nakumpirma na si Dj Dianne at ang babae ng asawa niya ay iisa.

Humigpit ang hawak niya sa picture hanggang sa tuluyang malamukos iyon. Halos madurog pa ang puso niya nang makita sa mismong fb ng Dj ang mga larawan nito na kasama ang asawa.

Pagdating ni Michael ay nadatnan niya si Veronica na nakapamintana at naninigarilyo.

“Hon, bakit gising ka pa?”

“Gising pa, or gising na? madaling-araw na Michael, bakit ngayon ka lang umuwi?”

“I was with Carl the whole night, nag-celebrate lang kami.” Muling pagsisinunga­ling ni Michael habang nagpapalit ng damit.

Humarap si Veronica sa asawa at mahinahon na tinanong ito.

“Do you still love me hon?”

“Ano bang klaseng tanong ‘yan?”

“I just want to know the answer…”

Huminga muna ng malalim ang lalaki bago sumagot.

“Of course.”

“Of course? Dahil ba sa may anak tayo?”

Kunot-noong ti­ningnan ni Michael ang asawa.

“Ano bang nangyayari sa’yo?”

“Dapat ako ang magtanong niyan sa’yo, ano bang nangyari sa’yo at hindi ko na maramdaman ang pagmamahal mo?”

“Let’s just go to sleep okay?”

Napaluha si Vero­nica pero hindi pa ito ang tamang oras para komprontahin niya ang asawa.

May gusto pa siyang gawin.

On air.

“Okay once again muli po nating maririnig ang tinig ng ating suking caller na si Michelle, oh hi Michelle, what’s up?”

“Dj Dianne…”

Saglit na natahimik ang caller.

“Go ahead Michelle, we’re listening.”

“Kung ikaw ba ako…at nalaman mo na ang tao na hinahangaan mo…madalas mong pagsabihan ng mga problema mo… madalas magpayo sa’yo… ay ang tao pala na siya ring dahilan ng mga kabiguan mo… paano mo ito tatanggapin?”

“Wow, mukhang napakaseryoso naman ng bagay na ‘yan… ako kasi, when I talk about trust, it’s really fragile, dapat tala­gang ingatan because, like a glass, kapag nabasag na hindi na mabubuo ulit, and also like a paper, once it’s crumpled it can’t be perfect again. Kaya siguro pwede ko itong matanggap pero, time will tell and sabi nga ng iba, everybody deserves a second chance!”

“Dj Dianne, what if, malaman mo na ‘yung taong minamahal mo ay pag-aari na pala ng iba? Anong gagawin mo?”

“Simple lang naman ang sagot diyan, isoli mo ang hindi iyo, although mahirap gawin lalo na kung mahal na mahal mo talaga ‘yung tao, you have no choice but to do the right things. Wait Michelle, sino ba itong pinag-uusapan natin, a friend and your husband or anyone else?”

“It’s about me and my husband… and his other woman…”

Related Posts

Nagkatinginan sina Dianne at Menggay.

“Oh, parang gets ko na, so ang asawa mo at isang tao na malapit din sa puso mo or so called friend betrays you, right?”

“Yes, tama ka…she’s not actually my friend, but I trusted her… sa lahat halos ng problema ko…”

“It’s a big OUCH! Alam na ba nila na alam mo na ang tungkol sa kanila or are you really sure about it?”

“100% sure na ko, pero hindi ko pa sinasabi sa kanila… hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa…”

Damang-dama ni Dianne ang kalungkutan sa tinig ng caller.

“You know what Michelle, you’re just one in a million woman in this kind of trouble, but I understand how you feel, ito siguro ‘yung pakiramdam with a million questions in your heart, bakit ikaw pa, anong dahilan, kailan pa nangyari at paano? So many questions na mahirap sagutin.

Pero mas mabuti siguro kung kakausapin mo muna ang asawa mo about this, alam ko mahirap kumalma sa ganitong sitwasyon but you have to, para maintindihan mo kung anuman ang ipapaliwanag niya sa’yo. I don’t know if magagawa mo ring kausapin ng calm and sincere ‘yung other woman na sinasabi mo at kung magagawa mo ring makinig sa kanya. But whatever happens sa mga pag-uusap na ito, kaila­ngan mo itong harapin at tanggapin, sundin mo lang ang sinasabi ng puso mo and somehow you’ll find a way to move on.”

Biglang nawala sa linya si Michelle.

“Hello Michelle? Michelle?”

Sumenyas si Menggay na wala na nga ito.

“Okay mga kaibigan, babalikan po natin ang problemang ‘yan ni Michelle pagkalipas lang po ng ilang paalala, and you can comment now, just text me 09491780971, hihintayin ko ang mga comments n’yo,pag-usapan natin ‘yan!”

Samantala, inihagis ni Veronica ang hawak na phone.

“Move on? Move on? Damn you! Ang galing-galing mong magbigay ng payo, pero sisiguraduhin ko sa’yo na mas higit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon ang ipaparamdam ko sa’yo!”

Hapunan. Sa bahay ng mag-asawang Michael at Veronica.

“Honey, did you know Dj Dianne?” tanong ni Veronica habang sinasalinan ng kanin ang plato ng asawa.

Saglit na natigilan si Michael.

“I-I don’t know her…”

“Ah, okay.”

“Bakit mo naitanong?”

“Kagabi kasi I was listening to her show sa radio, ang galing pala niyang magbigay ng advice no? Sa tingin mo ba ‘yung mga katulad niya nakikinig din sa payo ng iba, or nakakagawa rin kaya siya ng mali ? para kasing ang dami niyang alam at parang naiintindihan niya ang lahat ng bagay sa mundo?”

“Tao lang din siya kaya natural lang na makagawa rin siya ng mali tulad ng mga listeners niya, ‘yung mga payo niya siguro ibi­nabase lang niya sa kung ano ‘yung alam niyang tama.” Sagot ni Michael sa pagitan ng pagsubo.

“Pero ang galing pa rin niya… ang galing galing niya talaga… I want to meet her…”

Natigilan sa pagsubo ang lalaki sa narinig.

“What? May masama ba kong nasabi?” nangingiting tanong ni Veronica.

Umiling si Michael. Isang makahulugang tingin ang ibinato sa kanya ni Veronica na hindi na niya nakita dahil iniwas niya ang tingin sa asawa.

Pagkatapos kumain ay umistambay muna si Michael sa terrace nila. Sinundan siya ni Veronica at nagsindi ito ng sigarilyo.

“Honey, ano bang nangyayari sa’tin, I feel like… there’s no magic anymore between us…or  ako na lang ba ‘yung nagmamahal?”ani ­Veronica.

“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”

“Because that’s how I feel.”

“Veronica, pwede bang ‘wag na nating pag-usapan ito, matagal na tayong kasal at may anak na tayo, may kulang pa ba?” (Itutuloy)