Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 204

Ika-16 na labas

Hindi lang sa bahay ang nagiging bonding nina Michael at Dianne kundi maging sa Yakap foundation house. Wala rin kasing alam ang mga madre sa pagkatao ng lalaki kaya hindi nila tinututulan ang nakikitang pagmamahalan sa pagitan nina Michael at Dianne, sa halip ay proud pa silang dito nagkakilala ang dalawa.

“Ate Dianne, ako ang ring bearer mo kapag kinasal na kayo ni Kuya Michael ha!” si Jimboy habang nagsi-seesaw sila ni Dianne.

“Ha? oo naman, kaya lang malayo pa ‘yon, kasi si Ate Dianne marami pang gustong gawin sa buhay, hindi pa’ko ready!” naka­ngiting tugon ni Dianne sa bata.

Lumapit sa kanila si Michael at naupo sa side ni Jimboy kaya tumaas si Dianne.

“Pasali naman sa kuwentuhan nyo, mukhang ako ang pinag-uusapan nyo ah!”

“Opo kuya, kasi pumayag na si Ate Dianne na ako ang mag-ring bearer sa kasal nyo!”
Nabigla si Michael.

“K-kasal?”

“O bakit namutla ka diyan, hindi pa naman ngayon!”
“Hindi naman ako namutla, gusto ko rin naman na doon

ayo humantong kaya lang alam ko naman na wala pa sa plano mo ‘yon.” palusot ng lalaki.

Sina Michael at Jimboy naman ang tumaas sa seesaw.

“Korek! Saka gusto ko munang makabili ng dream house ko bago ako magpakasal!”

Hindi alam ni Michael kung biro iyon o totoo, pero anuman iyon ay iisa lang ang nasisiguro niya, na hindi kailanman niya ito mapapakasalan…at labis niya iyong ikinalulungkot.

“Mabuti pa lets go na sa loob, kasi baka hinahanap na tayo ni Sister paloma, may idi-discuss ka pa sa kanya diba?” aya ni Dianne.

“Oo nga pala, nalilimutan ko kasi ang lahat kapag kasama kita eh!”

“Asus, pakilig pa siya oh!”

Isang good news ang natanggap ni Dianne mula sa boss nila sa radio station. Pinatawag siya sa office nito.

“Dianne, isang awards night ang dadaluhan nyo this Saturday night. Lima lang kayo mula sa istasyon natin. Isa ka sa mga nominee para sa Best Disc Jockey para sa taong ito kaya goodluck!”

“T-talaga po sir?”

“Yes, I know na hindi ito ang una mong nomi­nation, but of course we’re hoping na this year ay makuha na natin ang award, alam ko naman na deserving ka.”

“Yes sir, thank you po, ipagdasal po natin!”

Tuwang-tuwang ibinalita ni Dianne kay Michael ang tungkol sa gaganaping awards night para sa mga DJ habang sakay sila ng kotse nito pauwi..

“You’re going with me right?”

“Ahm, Saturday?”

“Yes.”

“Okay, I’ll be with you!”

“Tama nga ang kutob ko…may babae siya! ” bulalas ni Veronica habang tinitingnan ang mga larawan na iniabot sa kanya ng inupahan niyang detective.

Nasa kubling bahagi sila ng isang restaurant.

“Isang babae po ang sinundo niya mula sa building na ‘yan. At malinaw po sa picture na kasama niya sa loob ng kotse ang babae.”

“Gabi ang kuhang ito, so ibig sabihin right after his work, dito siya pumupunta para sunduin ang babaeng ito?”

“Iyan din po ang paniniwala ko.”

“Alamin mo kung sino ang babaeng ito, all about her. Naka-side view siya sa picture kaya hindi ko masyadong makita ang mukha, next time gusto kong makita ng close up ang mukha niya…” Tiim bagang na sabi ni Veronica.

“Yes ma’am!”

Related Posts

“Sa susunod na pagkikita natin gusto ko na kumpleto na ang detalye tungkol sa babaeng yan at maging sa pamilya niya…”

Saturday night.

“Fresh flowers for the most beautiful woman I ever met!” sabay abot ni Michael ng isang boquet ng red roses kay Dianne pagbukas pa lang nito ng pintuan.

“Wow! Thank you sweetie, ang sweet mo talaga!” nakangiting tugon ng dalaga habang tinatanggap ang bulaklak.

“Ready ka na ba?”

“Yes I’m ready!”

“Ready ka na bang maging best Dj of the year?”

“Magdilang-anghel ka sana!”

“So pa’no, kotse mo or kotse ko?”

“Siguro kotse ko na lang ang gamitin natin, para masanay naman ako!”

“Okay, iiwan ko na muna ang car ko dito, let’s go!”

Umabrisyete si Dianne sa braso ni Michael habang patungo sa sasakyan.

Sa event ay nakasabay nina Michael at Dianne sina Charlie at Lilibeth sa lobby ng hotel na pagdarausan.

“Charlie! Lilibeth!” nakangiting bati ng dalaga sa dalawa.

“Oh hi Dianne and Michael! Nagkita-kita na rin lang tayo let me just invite you guys sa nalalapit naming wedding ni Lilibeth, next month!” ani Charlie.

Hindi na nabigla si Dianne. Sa tabi ni Michael tanggap na tanggap na niya si Lilibeth para kay Charlie.

“Talaga? congratulations, of course darating kami, diba Michael?” sabay baling ni Dianne sa nobyo.

“Oo naman!”

“Okay, so pa’no sabay-sabay na tayo sa loob?” aya ni Charlie.

“Let’s go! Goodluck to us!” sagot ni Dianne.

Ibang-iba ang pakiramdam ni Michael sa piling ni Dianne. Ke silang dalawa lang ang magkasama o marami pang nakapalibot sa kanila.

“Michael okay ka lang ba?”

Nakaupo sila sa ma­laking table kasama ang mga kasama ni Dianne sa station.

“Oo naman, ikaw, mukhang ninenerbiyos ka ah!”

“Kinakabahan lang ng konti, matagal ko na rin kasing inaasam ang award na’to, and you know what?”

“What?”

“I think you are my lucky charm kaya feeling ko talaga ako na ang mananalo!”
“I believe in you!”

Nang tawagin na ang nagwagi para sa Best Dj of the year ay tuluyan nang sumabog ang kaligayahan sa dibdib ni Dianne dahil…

“And the Best Disc jockey of the year is…Dj…DJ DIANNE RIVERA!”

Isang mahigpit na yakap agad ang iginawad ni Michael para sa nobya na tuwang-tuwa.

“See, I am really your lucky charm! Congratulations sweetie!”

“Thank you! Grabe na’to! Hindi ako makapaniwala!”

Hindi na napigilan ni Dianne ang mapaluha habang nagbibigay ng maikling speech sa stage hawak ang napanalunang award.

Pauwi na sina Michael at Dianne, pasakay sa kotse na nasa parking lot nang makakuha ng pagkakataon ang detective na makuhanan sila ng palihim at malapitan mula sa pagkukubli nito sa sasakyang katabi ng kanila. (ITUTULOY)