Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 204

Ika-15 na labas

Bawat araw na lumilipas ay lalo pang lumalalim ang pagmamahalan nina Michael at Dianne.

Kasabay ng paglalim rin ng mga hinala ni Veronica sa dahilan ng pagbabago ni Michael kaya naman handa na siyang gawin ang plan B na ipinayo ng hinahangaan niyang dj.

“Gusto kong alamin mo lahat ang mga lakad ni Michael, kung saan siya nagpupunta at kung sinu-sino ang mga imi-meet niyang tao.” Kausap ni Veronica sa phone ang isang detective.

“Yes ma’am!”

“Siguraduhin mo rin na makukuhanan mo ng litrato ang bawat galaw niya, gusto ko ng malinaw na ebidensya.”

“No problem ma’am!”

“Okay, I want the result asap, tatawagan kita ulit.”

“Sure ma’am!”

Samantala. Papasok na si Dianne sa trabaho dala ang bago niyang kotse. Pasahero niya si Michael na naisipang maki-ride para masigurong okay na siya sa pagmamaneho.

“Look, ang galing ko na ‘di ba? sabi ko naman sa’yo marunong akong mag-drive eh!”

“I know, pero gusto ko lang naman masigurong safe ka.”

“Salamat pero nakita mo naman ‘di ba, hindi ako kaskasero… by the way, kailan nga pala tayo pupunta sa probinsya nyo?”

“H-ha?”

“O diba sabi mo ipapakilala mo ko sa mga pa­rents mo saka sa mga kapatid mo?”

“Oo nga pala, ang tight kasi ng schedule ko sa work ngayon, don’t worry maghahanap ako ng oras…”

Sa isip ng lalaki, paano nga ba niya ipapakilala si Dianne sa mga magulang niya gayong alam naman ng mga ito na pamilyado na siyang tao… siguradong hindi siya maiintindihan ng mga ito.

On air.

“Ang pinakamasarap talagang pakiramdam sa lahat ay ‘yung nagmamahal ka sa taong minamahal ka rin… ‘yung pareho kayo ng feelings para sa isa’t-isa, at higit sa lahat ‘yung walang hadlang sa pagmamahalan nyo, wala kayong ibang taong nasasaktan at lahat ay umaayon sa pag-ibig na inilaan n’yo para sa isa’t-isa. Kaya naman ang susunod na kantang patutugtugin ko ay para sa mga taong inlab, kahapon, ngayon at sa marami pang bukas na dara­ting or so called forever…”

Related Posts

Pagkasabi niyon ay pumailanlang na sa ere ang isang lovesong na may kalumaan man ay tumatagos pa rin sa puso ng sinumang makakarinig.

Ang sinabi ni Dianne on air ay eksakto sa nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya ay inlove na inlove na siya kay Michael. At tuluyan nang nabura nito ang lihim niyang pagtatangi kay Charlie.

“Bhe, hindi ka ba nagtataka kay Michael?” tanong ni Menggay habang magkasama sila ni Dianne na pumipili ng mga pocketbook na bibilhin sa isang bookstore.

“Nagtataka saan?”

“Kasi ilang buwan na rin naman kayo ‘di ba, pero ni isa sa mga kaibigan niya hindi ka pa niya naipakilala, tapos hindi ka rin niya maipakilala sa mga parents niya, tapos ang sabi mo hindi ka na niya inaayang kumain sa labas, palagi na lang ‘yung apartment mo ang nagiging hang-out n’yo, parang gusto ka niyang itago sa mundo!”

“Ikaw talaga, nangako naman siya na ‘pag nakahanap siya ng oras e dadalhin niya rin ako sa probinsya nila para maipakilala sa mga magulang niya, tungkol naman sa mga kaibigan wala lang din sigurong pagkakataon, and about sa date namin sa apartment ko mas gusto ko naman ‘yon eh.”

“Hmm, bakit ha, may ginagawa kayong milagro no?”

“Sira ka talaga, marami kaming nagagawang bonding sa bahay kaysa sa labas, tulad ng panonood ng mga dvd, nagluluto kami ng mga recipes from googles, tapos naglalaban din kami sa chess! Mas gusto ko ‘yung gano’n!”

“Ganern?”

“Oo , kaya ‘wag madumi ‘yang utak mo.” Dinampot ni Dianne ang isang libro na may title na “ REFRESH YOUR MIND” at iniabot iyon kay Menggay.

“Ano ‘to?”

“Bilhin mo at basahin mo para ma-refresh naman ‘yang utak mo!” nakangiting biro ng dalaga sa kaibigan.

Nagulat pa si Dianne nang datnan niya si Michael sa kanila.

“Teka, binigyan ba kita ng duplicate key?”

“Actually nagpagawa ako ng sarili kong key, anyway hindi naman importante ‘yon, ang importante magkasama tayo ngayon at meron akong dalang bagong pelikula!” sabay halik ni Michael sa pisngi ng dalaga.

“Talaga?”

Tiningnan ni Dianne ang dalang dvd ni Michael.

“Wow, favorite actor ko ‘to ah!”

“Kaya nga binili ko, original ‘yan ha!”

“Thank you sweetie!” si Dianne naman ang humalik sa pisngi ng nobyo. (ITUTULOY)