Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 230

Ika-14 na labas

Hindi inaasahan ni Dianne na susunduin siya ni Michael sa ala­nganing oras na iyon ng pag-uwi niya.

Abante Hiring – IT dep

“Michael?”

Mula sa pagkakasandal sa kotse niya ay umunat ang lalaki nang makita ang dalaga.

“Hey Dianne, gusto ko lang makasiguro na makakauwi ka ng safe.”

“What? Four years na ko sa trabahong ‘to, kaya sanay na sanay na akong umuwi ng ganitong oras.”

“Yes, pero I’m your bf now, kaya mula nga­yon ako na rin ang driver mo!”

Napapailing na napangiti si Dianne.

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘to, pero thank you na rin sa effort, at least makakatipid ako ng pang-taxi!”

“Pero sooner ay magagamit mo na rin ang sarili mong kotse, tuturuan kitang mag-drive!”

“No need, actually may alam na ko sa pagda-drive, kasi dati may owner kami, tinuruan ako ng papa ko, kaya nga lang nabenta na.”

“That was sad pero at least marunong ka na pala.”

“Yes, kailangan ko lang kumuha ng lisensya. By the way, speaking of my papa, gusto kang makilala ng mga parents ko at ng mga kuya ko, okay lang ba?”

Natigilan si Michael. Kinabahan siya. Hindi kasi niya sigurado kung makakaya niyang humarap sa pamilya ni Dianne sa kabila ng mga itinatago niyang lihim.

“Michael, may problema ba?”

“H-ha? wala, sige kailan mo ba gusto?”

“Kung pwede sana sa Sunday, dinner?”

“Okay, Sunday night.”

Matapos ang maikling pag-uusap ay sumakay na sila sa kotse pauwi sa apartment ni Dianne.
Sunday night.

Sa bahay ng mga magulang kasamang duma­ting ni Dianne si Michael.

Related Posts

“Ma, Pa, si Michael po, ang boyfriend ko, Michael ang mama at papa ko.” pakilala ni Dianne sa isa’t-isa.

Nagmano si Michael sa dalawang matanda. Malugod naman siyang tinanggap ng mga ito.

Hindi inaasahan ni Michael na paghahandaan ng mga Rivera ang kanyang pagdating. Mara­ming putahe ang ipinaluto ng mga ito.

“Ma, sina kuya?” tanong ni Dianne sa ina habang tinutulungan itong maghanda ng pagkain.

“‘Wag kang mag-alala, darating sila, ang kuya Deo mo on the way na, kasama ang pamilya niya, naku mabuti na lang at hindi pa nakakasampa ulit ng barko ang kuya Manuel mo kaya makikilala pa niya ang nobyo mo. Kaya lang nandoon pa siya sa condo ng girlfriend niya, maya-maya pa raw siya makakapunta.”

“Okay lang po, mag-aabot naman siguro sila ni Michael.”

“Anak, sigurado ka bang walang sabit ‘yang kinuha mong bf?” bulong ni Aling Divina.

“Ma naman… sabi naman po niya binata siya eh…”

“Ayoko lang kasi na magkamali ka, alam mo naman ang panahon ngayon, ang dami ko nang nabalitaan na naloko dahil ‘yun pala may asawa sa probinsya o malayong lugar.”

“Wala naman po akong ganoong instinct kay Michael, feeling ko naman nagsasabi po siya ng totoo.”

“Sige, pero sana makilala mo rin ang pamilya niya asap para makasiguro ka na ikaw lang talaga, natatakot lang ako na masaktan ka anak.”

“Don’t worry ma, sisiguruhin ko na ako lang ang babae sa buhay niya!” nakangiting sabi ni Dianne.

Maraming tanong ang ibinato ng mga magulang ni Dianne kay Michael habang kumakain sila ng hapunan. Ang mga sagot naman ni Michael ay nahati sa katotohanan at kasinu­ngalingan.

Maya-maya pa ay magkasunod na duma­ting ang mga kapatid ni Dianne.

Kahit na nakokonsensya si Michael sa magandang pagtanggap sa kanya ng mga ito ay hindi naman niya ka­yang sabihin kay Dianne ang totoo dahil ayaw na niya itong mawala sa kanya.

Pag-uwi sa bahay nila ay sinimulan ni Veronica ang unang payo ni Dj Dianne.

Ang plan A. Nagpaganda siya para sa asawa.

Nilambing niya ito tulad ng dati. Pero…

“Michael, ba’t mo ba ko tinatalikuran?”

“Pagod ako Vero­nica, I want to sleep…”

“Pero hon, hindi mo ba ko na-miss? I’ve been out of town for so many days tapos tatalikuran mo lang ako…”

“Marami pa namang days kaya sige na, sleep na tayo okay?” sagot ni Michael na nanatiling nakatalikod ng higa sa asawa. (Itutuloy)