Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 232

Ika-13 na labas

Sa narinig ay nayakap ni Michael si Dianne at saka nito masuyong hinagkan ang mga kamay ng dalaga.

“Thank you Dianne, hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya!”

Sa muling pag-ere ni Dj Dianne ay maali­walas na ang aura niya.

“Good evening listeners! na-miss n’yo ba’ko? sorry ha, pero ‘wag na kayong sad kasi nandito na ulit ako para samahan kayo sa mga problemang puso na sadyang mahirap iwasan. Kaya naman pag-usapan na natin ‘yan, at eto na, agad-agad ang ating unang caller, hello ­Michelle, maganda ba ang evening?”

“Actually ilang gabi na pong hindi good ang evening ko…”

“Gano’n ba, siguradong may kinalaman na naman dito ang iyong mister, right ba or wrong?”

“Tama po kayo… lately po kasi pakiramdam ko may ibang babae siya…”

Related Posts

“Huwaatt? May basehan ba ang iyong ­nararamdaman?”

“Ang cold na kasi niya sa’kin… dalawang taon pa lang kaming nagsasama bilang mag-asawa pero parang wala na agad siyang gana…”

“Teka, linawin natin ha, anong klaseng gana ba ito, sa pag-ibig ba, sa pagkain or sa ibang ­bagay na sa pagitan n’yo lang nagaganap?” may halong malisyang tanong ng dj para mapangiti ang caller.

“Yung una at huli.” Sakay naman ng caller.

“Naku, naku, naku hindi pwede ‘yan… Okay, so kung sa tingin mo nanlalamig na siya sa’yo, bakit hindi mo siya painitin? I mean, do something na mare-remind mo sa kanya kung gaano kayo ka-sweet dati, kung gaano mo siya kamahal at ganoon din siya sa’yo, kung ano ‘yung mga bagay na nagpapakilig sa inyong dalawa before, baka naman kasi hindi lang siya ang nagbago, baka pati ikaw.

Sa ganyang kaso kasi kaila­ngan nating mga babae ang plan A, plan B, plan C and plan D! tulad nga ng sinabi ko, do some effort muna sa plan A, pero kapag deadma pa rin ang byuti go na sa plan B, ito ‘yung operation manman, pero secret lang dapat, baka kasi sumi­singit na pala si 3rd ­party, ­ingat lang! ‘pag wa-epek pa rin, try na si plan C, ito na ‘yung kakausapin mo siya at tatanu­ngin kung may magic pa ba, ma­gic means pag-ibig, you just have to ­accept kung anuman ang isasagot niya. At papasok lang si plan D, kung ang reason niya ay hindi ka na niya lovabets, because plan D, is a plan of moving on! Pero syempre hangad natin na hanggang do’n ka lang sa plan A. I hope na mapansin niya ang effort mo at ma-realize niya na agad-agad, na ang pag-ibig ay hindi isang tasa ng kape na pinalalamig, dahil mas mainit, mas masarap higupin!”

“Thank you Dj Dianne, hindi pa man nasosolusyunan ang problema ko, kahit papa’no napapagaan ng mga payo mo ang pakiramdam ko.”

“Your always welcome Michelle!”

Matapos ang pakikipag-usap sa caller ay nagbigay muna ng mensahe si Dj Dianne para sa ­lahat ng mga listeners.

“Well, that’s love… it’s not what the mind thinks but what the heart feels… kung ­minsan kasi kapag busy tayo sa ibang bagay nababalewala natin ‘yung mas importante sa atin, ­kahit hindi natin sinasadya, nangyayari pa rin. Kaya iniisip ng taong mahal natin na ­nawawala na ‘yung love. So I think importante pa rin na maipakita at maipadama natin sa taong mahal natin na we still love them, and we will love them all over and over again…” (Itutuloy)