Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 213

Ika-11 na labas

“What?” sabay tingin ni Dianne ng makahulugan kay Menggay.

Abante Hiring – IT dep

“E Bhe, sorry ha, kinuha ko ‘yung number ni Michael kay Sister Paloma kanina, reserba lang ba, ayoko naman kasing magmukha kang kawawa, ikaw lang ang walang partner na mga caller oh!”

“Dianne ‘wag ka ng magalit kay Menggay, ina­alala ka lang niya, and willing naman akong maging date mo for tonight, please?”

“Okay fine, ano pa nga bang magagawa ko, nandito ka na. Nakakahiya lang kasi naabala ka pa.”

“But I like this, siguradong mag-eenjoy naman ako kasama ka!” matamis ang ngiting sabi ni Michael.

Dahil may ka-date na ang dalaga ay iniwan na sila ni Menggay sa table for two. Maya-maya pa ay isa-isa nang ipinakilala ng mga dj ang mga ka-date nila. Nang sina Dianne at Michael na ang umakyat sa stage para magpakilala ay todo ang na­ging hiyawan ng mga tao.

Bentang-benta sa kanila ang bagay na hitsura ng dalawa. Isang maganda at gwapong lalaki.

“KISS! KISS!” hiyaw ng isa sa mga kapwa dj.

Namula si Dianne. Pero ang request ng isa ay naging dalawa, tatlo hanggang sa halos lahat na ay sumisigaw ng kiss bilang parte ng kasayahang iyon.

“Dianne?” nagpapaalam ang tinig at mga mata ni Michael kung papayag ba ang dalaga.

“O-okay sige, p-pero sa pisngi lang ha…” halos pabulong na tugon ng dalaga.

Natahimik ang lahat nang unti-unti ay lumapit ang mukha ni Michael sa mukha ni Dianne.

Ang marahang pagdampi ng labi nito sa namumulang pisngi ng dalaga ay isang saglit na kaligayahang katumbas ng isang-libo’t isang kilig sa puso ng mga nakasaksi.

Matapos iyon ay sinundan ulit ito ng malakas na hiyawan at tuksuhan.

Nang makabalik naman sa table ang dalawa ay hiyang-hiyang naupo si Dianne at nawalan ng kibo.

“Dianne, I’m sorry…” nag-aalalang sabi ni Michael.

“Wala ka namang dapat ipag-sorry, ganito talaga sa’min pag nagiging sentro ka ng katuwaan nila, babansagan ka nilang kj kapag hindi ka umayon. Ako nga ang dapat mag-sorry kasi nadamay ka pa.”

“Wala ka ring dapat ipag-sorry, it’s my pleasure!” sabay hawak ni Michael sa kamay ni Dianne na nakapatong sa mesa. Napatingin dito si Dianne at saglit na natigilan bago ito nagpasyang bawiin ang kamay.

Ang huling part ng program ay ang pa-raffle ng kotse.

“Lord give it to me… give it to me…” dasal ni Dianne.

“And now, the luckiest person tonight is… no other than… the beauty… the brain… and the heart of our station… DJ… DIANNE!”

Tila nabarahan ng libu-libong sea urchins ang dibdib ni Dianne sa narinig. Hindi makapaniwala. Daig pa niya ang tumama sa lotto. Dahil sa sobrang tuwa ay napatayo siya at nayakap niya si Michael nang mahigpit na mahigpit.

“Yes! Nanalo ako! Nanalo ako! May kotse na’ko!” tuwang-tuwang sabi niya habang nakayakap sa lalaki.

“Congratulations!” tuwang-tuwa ring bati ni Michael na bahagya pang binuhat ang dalaga sabay sinayaw ito sa hangin.

Related Posts

Dahil nangangatog pa sa tuwa ay sinamahan at inalalayan ni Michael ang dalaga papunta sa stage para tanggapin nito ang susi ng kotseng napanalunan.

Hindi pa doon natapos ang kasayahang iyon. Nag-party pa ang mga dj at nag-inuman bilang bahagi ng kanilang selebrasyon.

Matapos iyon ay tila umiikot na ang paningin ni Dianne dahil sa dami ng nainom na wine.

“Dianne, mabuti pa ihatid na kita sa inyo.” Ani Michael.

“Ihatid? Sige, gamitin natin ‘yung bago kong car!”

“Sira ka talaga, hindi pa pwede ‘yon, yung kotse ko na lang ang gagamitin natin.”

“Gano’n ba, okay, shige, gora na tayo!”

Habang nasa kotse ay napaidlip si Dianne at napasandal ang ulo sa balikat ni Michael na siyang nasa manibela.

“Dianne… sana ikaw na lang… sana ikaw na lang ang inilaan para sa’kin…” bulong ni Michael kahit alam niyang hindi na siya naririnig nito.

“I love you…” sabay sulyap ni Michael sa dalaga.

Nang nasa tapat na sila ng apartment ay ginising na ni Michael si Dianne.

“Nandito na ba tayo?”

“Oo Dianne, kaya mo bang maglakad, gusto mo buhatin kita?”

“No thanks, mukhang keri ko pa naman…”

Inalalayan ni Michael ang dalaga sa pagpasok nito sa bahay at iniupo sa sofa. Naisip ni Michael, paano niya iiwanan si Dianne sa ganito nitong kalagayan, walang kasama sa bahay at lasing pa. Baka kailangan niyang mag-stay dito at bantayan ito ngayong gabi.

“Michael, gusto mo bang juice?”

“No thanks… magpahinga ka na, babantayan kita…”

Dahil hindi sanay uminom kaya talab na talab kay Dianne ang alak. Muli ay napapikit ito at nakatulog.

Binuhat ni Michael ang dalaga at dinala sa silid. Iniayos ang higa at kinumutan. Saka siya nahiga rin sa tabi nito.

Tila wala sa sarili namang yumakap at dumantay si Dianne sa katabi. Napalunok si Michael. Nagising ang kamalayan niya.

Tumagilid siya ng higa at humarap sa nahihimbing na dalaga. Tinitigan niya ang mukha nito, ang bawat parte…ang mata, ang ilong hanggang sa bumaba ang paningin niya sa kissable lips nito. Para itong magnet na umaakit sa mga labi niya na dumampi rito.

Kaya naman para siyang nasa ilalim ng hipnotismong nagpatangay  sa magnet nito. Unti-unti niyang inilapit ang mga labi sa mapupulang labi ng dalaga.

Nang lumapat ang labi niya sa labi nito ay naramdaman niyang bigla ang boltahe ng kuryente mula sa kanyang kalingkingan hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso.

Lalo pang nadagdagan ang boltahe nang tumugon ang labi ni Dianne. Nakapikit pa rin ito subalit tinutugunan nito ang bawat halik na dumadampi sa kanya. Hanggang sa ang dingas ay tuluyang magkaroon ng apoy. Tuluyan nang yumakap si Michael sa makasalanang pag-ibig na umaalipin ngayon sa kanya.

Napadilat si Dianne nang unti-unting alisin ni Michael ang mga kasuotan niya. Subalit tila nawalan siya ng lakas ng loob para pigilan ito. Sa halip ay muli siyang napapikit at umasa na lang sa isang pag-ibig na posibleng magbuklod sa kanilang dalawa.

Niyakap niya ang estrangherong pakiramdam na nagdudulot sa kanya ng ibayong kasiyahan. Pinaniwalaan niya ang ibinubulong ng puso na ito na ang kanyang pag-ibig.

Hanggang sa ang gabing iyon ay mabalot ng nag-uumapaw na kaligayahan na ang tanging saksi ay ang nagbabadyang ulan sa kalangitan. Dahil ang mga bituin ay nagtago at ang mga anghel sa langit ay nanibugho, ang ulan ay tuluyang bumuhos, dala ang pagmamahal na may kakambal na kapaitan. (ITUTULOY)