Una sa Balita

The Beloved DJ

By
0 233

Ika-10 na labas

“Asus, e ano naman kung may makarinig, dalaga ka naman binata naman siya, teka binata nga ba ‘yon?”

Napaisip si Dianne pero hindi na niya pinansin ang tanong ng kaibigan.

“Good evening listeners! Ito po si DJ Dianne at muli na naman po tayong magkakasama sa isang gabi na puno ng emosyon, dito po sa programang Problemang puso ba? Pag-usapan natin ‘yan! Dito lang sa Love Rules! At para sa ating buwenamanong quotes for tonight, this is coming from our caller Babes, I USUALLY DON’T GET ATTACHED TOO EASILY, BUT THAT CHANGED WHEN I MET YOU… Hay, ang sarap naman pakinggan ‘di po ba? lalo na kung ang magsasabi sa’yo niyan ay yung tao na nagpapangiti sa’yo for no reason, ‘yung makita mo lang siya e sumisilay na agad ang matatamis na ngiti sa labi mo…”

Sa mga sandaling iyon ay napapangiti rin si Michael habang nagmamaneho ng kotse pauwi mula sa trabaho. Pinapakinggan kasi niya si DJ Dianne sa programa nito. At sa boses pa lang ng dalaga ay naaaliw na siyang talaga. “Tama ka Dianne, you make me smile for no reason… Sana nakilala na kita noon pa…”

Alam naman ni Michael na nasa maling direksyon siya simula nang makilala niya si Dianne. Alam niyang kasalanan na ang ibigin ito. Pero hindi niya magawang alisin ito sa isipan niya at tila naokupa na rin nito maging ang puso niya… Hindi pala tila kundi nasisiguro niyang nakapasok na ito sa puso niya.

Kaya naman kahit mali ay ipinagpatuloy niya ang panunuyo rito.

“Wow, flowers and chocolates again and again and again?” gulat na gulat si Menggay habang tini­tingnan ang bitbit na boquet of flowers at chocolate ni Dianne na inabot ng guard.

“Ewan ko ba diyan kay Michael kung bakit may ganito pa siyang pa-effect! Pwede namang siya na lang mismo ang mag-abot, saka hindi ba siya nanghihinayang na almost everyday ay gumagastos siya ng ganito?”

“Bhe naman, ‘wag ka nang magmaganda, tanggapin mo na lang saka mukha namang maraming datung ‘yon, de kotse nga eh!”

“Speaking of kotse, malapit na ‘kong magkaro’n!”

“Talaga?”

Related Posts

“Oo, kasi ako ang mabubunot sa pa-raffle ng car para sa anniversary ng station natin!” biro ni Dianne.

“Ganern? Pwes FYI, ako ang mabubunot at hindi ikaw!”

“Goodluck sa’yo!”

“Pero bhe aminin mo, inlababo ka na kay pogi no, bakit ‘di mo pa sagutin?”

“Oo na, sige na, aaminin ko na sa’yo bhe, I’m inlove, pero…”

Bago pa maituloy ni Dianne ang sasabihin ay napatili na si Menggay sa tuwa.

“Ssshhh quiet ano ba!” saway nito habang pasa­kay na sila ng elevator.

Sa isang hotel sa Makati ang napiling venue ng radio station nina Dianne para ganapin ang kanilang 20th anniversary. Bukod sa mga pa-raffle ay bumunot din sila ng mga callers na magiging ka-date ng bawat DJ ng istasyon sa gabing iyon.

“Bhe, iyong nabunot mong si Luis, hanggang ngayon wala pa, magsisimula na ang program!” ani Menggay na may pag-aalala.

“Kung hindi siya dumating okay lang…”

Hindi nga dumating ang ka-date ni Dianne. Nagsisimula na ang programa ng event.

Nabigla ang dalaga nang bigla na lang naupo sa table nila si Michael. Nakabihis din ito ng pormal.

“Michael! A-anong ginagawa mo rito?”

“Luckily, I’m your date for tonight!” (ITUTULOY)