Una sa Balita

Belo sinisi: Braso, binti ni Claudine nilait ng mga fan

0 2,282

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHumamig ng iba’t ibang reaksyon sa netizen ang pinosteng larawan ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram, suot ang isang turtle neck/sleeves black top at mini-skirt.

Tatlong larawan ang pinoste ni Claudine sa kanyang wall na siya niyang suot nu’ng Martes nang dumalo siya sa premiere night ng pelikula nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na “First Love”, sa SM Megamall.

Sa nasabing larawan ipinakita ni Claudine ang kanyang payat na braso at mga binti, isang pagpapatunay ng malaking pagbabago sa pangangatawan ng aktres mula sa pagiging mataba.

Bagama’t, napaka-sexy ni Claudine sa kanyang bagong pigura at lumitaw ang kanyang dati na ring magandang mukha sa slim figure nito, inulan pa rin ng mga puna at pamimintas ang aktres.

Pinansin ng ilang mga follower ni Claudine ang hubog ng mga braso ng aktres, pati na ang kanyang binti. Inakusahan at pinaratangan pa ang celebrity beauty doctor na si Vicki Belo na siyang may kagagawan sa hindi raw pantay na hubog ng braso ni Claudine at ng kanyang mga binti.

Bunga raw ng liposuction na ipinagawa ni Claudine ang kakaibang itsura ng kanyang mga braso. Sa kabila ng mga maaanghang na komento ng mga follower ng aktres, marami pa rin ang pumuri sa malaking pagbabago sa kanyang figure.

Anyway natatakam na ang mga fan ng aktres sa paghihintay sa pagbabalik nito sa acting.

 

Aiko dinedma ang sariling pangarap para kay Mayor Jay

Pinangatawanan na ni Aiko Melendez ang desisyon niyang sundin ang kanyang mga mahal sa buhay, at pati na rin ang career sa showbiz. Hindi na nga siya tatakbo sa susunod na eleksyon.

Mas pinili ni Aiko na itodo ang suporta sa kanyang kasintahang si Subic Mayor Jay Konghun na tatakbo bilang Vice-Governor ng Zambales. Naka-post sa Instagram ni Aiko ang pagsama niya sa pag-file ng candidacy ni Mayor Jay.

“Today is just the start of his journey serving the Pro­vince of Zambales for Vice Governor. Sa mga taong di po nakakaalam nasa public service po si Jay for 18 years. Nag-umpisa bilang Board Member hanggang sa naging Mayor po ng 9 na taon.

“Hinog na po kung tutuusin. Mag-ikot po kayo sa Subic para malaman nyo din po marami po syang nagawa. Congrats baby and goodluck! Ngayon palang I am proud partner @mayor_jaykhonghun. May God be with you! Shine for Jesus,” sey ni Aiko.

Dito pa lang ay makikita na kung gaano kamahal ni Aiko si Mayor dahil sinunod niya ang kanyang puso. Nu’ng mag-guest sina Aiko at Mayor sa show namin ni Dondon Sermino, ang “Abantelliling”, bahagyang sinabi ni Mayor ang nararamdamang paga-alala na baka mawalan na ng panahon sa kanyang mga anak at sa kanya ang nasabing girlfriend kung magiging abala ito sa kanyang karera sa politika.

Nasa kuwento rin ng dalawa na hangga’t maari ay naglalaan sila ng oras at panahon para sa isa’t isa. Sinabi rin ni Aiko na naghahanap si Mayor kapag hindi nito nakikita ang mga text messages ni Aiko sa kanya sa araw-araw, o ang tawag nito para lang kumustahin siya.

Hindi na kami magtataka kung mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon, lalo’t sinabi mismo ni Mayor Jay sa gues­ting nila ni Aiko sa Abantelliling na kasama sa pagmamahalan nila ng aktres ay ang posibilidad na maging forever na silang dalawa.