Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bello pumalag sa fake news

0 77

Pinalagan ni Labor Secretary Silvestre Bello lll ang ulat na nabigong makaalis patungong Saudi Arabia ang may 20,000 na overseas Filipino worker (OFW) matapos ma-stranded ang mga ito sa bansa.

Iginiit ni Bello na fake news ang kumalat na maling impormasyon dahil unang-una ay hindi ganito karami ang mga OFW na makakaalis patungong Saudi.

Umaabot lang din aniya sa 1,000 hanggang 2,000 OFW ang hindi pa nakakaalis papunta sa nasabing bansa dahil sa ipinalabas niyang deployment ban sa mga bansa sa Middle East noong 2021.

Dahil aniya ito sa hindi pagpapasahod ng maayos sa mga Pinoy na nasa Middle East sa loob ng dalawang taon.

Epektibo pa rin aniya ang ban pero para lang ito sa mga bagong aplikante dahil nais lang niyang masiguro na hindi sila magiging biktima ng pekeng recruitment agencies.

Leave A Reply

Your email address will not be published.