Una sa Balita

Bello: Cover-up sa OFW slay ugat ng Kuwait ban

0 261

NAGKAROON ng cover-up sa pagkamatay ng Pinay maid sa kamay ng kanyang amo kaya ito ang naging basehan para ipatupad ang total deployment ban sa Kuwait, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

“Kaya kami nagdeklara ng total deployment ban ay hindi doon sa panggagahasa – iyong cover-up,” wika ni Bello.

Sa pinadalang sertipikasyon ng Kuwait, si Jeanelyn Villavende ay namatay umano sa ‘acute failure of heart and respiration’ bunga ng tinamong mga pinsala sa kanyang katawan.

Subalit sa isinagawang autopsy ng National Bureau of Investigation nang maiuwi na ang bangkay ng Pinay, lumabas na ginahasa rin ito.

Sinabi ni Bello na may dalawang kondisyon ang pamahalaan kung nais ng Kuwait na bawiin ang ipinatupad na total deployment ban.

Maaalis lang aniya ang total deployment ban kung mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jeanelyn Villavende at lumagda ang Kuwaiti government ng standard employment contract.

Napag-alaman ng kalihim na ang amo ni Villavende ay nagtatrabaho sa interior ministry. Hanggang ngayon, wala pang nakukuhang kopya ng charge sheet ang DOLE. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More