Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Belle, Alexa, Francine tinuruan ni Charo ng tamang asal, respeto

0 435

Malaki ang pasasalamat ng mga Star Magic artist sa inorganisang personality development workshop na pinamunuan ni Charo Santos-Concio.

Binahagi ni Charo ang mahahalagang aral pagdating sa right conduct, proper etiquette, good posture, at kung paano i-handle ang social media.

Nakasama sa first batch ng face-to-face workshop ni Charo sina Francine Diaz, Belle Mariano, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Michelle Vito, Sheena Belarmino, Vivoree Esclito, Lian Kyla, Krystal Brimner, AC Bonifacio, Analain Salvador, SAB, Shanaia Gomez.

Super thankful si Francine dahil bukod sa pagiging magaling na artista, natutunan niya rin mula kay Charo kung paano ang tamang pakikitungo sa ibang tao upang respetuhin siya.

“Natutunan ko kay ma’am Charo kung paano makitungo sa ibang tao, ganyan dapat ang prino-project mo sa sarili mo, ‘yung respeto mo and pagmamahal mo sa self mo,” sey niya.

“‘Yung mga pangaral niyo po, promise po na itatatak ko ‘yun sa puso’t isip ko kaya po sa susunod, sana magkasama ulit tayo and hopefully, sa isang serye or movie. Dream ko po ‘yun,” saad pa niya.

Para naman kay Alexa, “I just really expected that it would help me become a better celebrity and also a better leading lady, and a better role model to other people… I, personally, am going to think of you always in everything that I do. Every time I slouch my back, I will be reminded that ma’am Charo wants me to elongate my neck,” chika ni Alexa.

Marami ring naipayo si Charo sa mga aktres pagdating sa pagiging dalaga.

“Always be confident, always speak your truth, and don’t call attention to yourself. Dapat ready ka in any type of situation,” sabi ni Charlie.

Sey naman ni Belle, “Never forget who you are and what you are. It exceeded more than I expected it to be. I know so much more about myself and what I am capable of. I was reminded of my brand essence.”

Nakakatuwa talaga na bumabalik na ang mga face-to-face workshop ng Star Magic. Bukod dito, tuloy na tuloy na rin ang pinakahihintay na Star Magic games na gaganapin sa Mayo 22 sa Araneta Coliseum. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.