Una sa Balita

Bella Thorne inunahan ang hacker, mga hubad na larawan ikinalat

0 771

By Athena Yap

Pinaulanan ng Hollywood star na si Bella Thorne ang kanyang social media account ng mga litratong hubad nang makatanggap ito ng pagbabanta na ikakalat daw ang kanyang mga nude photo.

Kinuwento ng Hollywood star sa pamamagitan ng Twitter ang pag-uusap nila ng lalaking humahamon sa kanya na ikakalat ang mga litratong nagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan ni Bella.

“F^ck u and the power u think you have over me. I’m gonna write about this in my next book,” sabi ng aktres kalakip ang mga ebidensiyang screen capture ng kanilang pag-uusap.

Kuwento pa ng aktres na nasira ang kanyang moment sa pagsasaya tungkol sa librong ipino-promote niya, hindi rin daw nakatulog ang aktres dahil nga sa mga pagbabantang natanggap nito.

Humanga rin ang karamihan sa naging matapang na tugon o reaksyon ni Bella sa kanyang hater.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy