Una sa Balita

Bell, Niemer isasampa ang Petron sa finale

0 190

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:15 p.m. – Cignal vs Petron
7:00 p.m. – PLDT vs F2 Logistics

WALANG ibang nasa kukote ng defending champion Petron Blaze Spikers kundi tapusin ang karibal na Cignal HD Spikers sa Game 2 ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three semifinal.

Isang hakbang na lang at sasampa na ang Blaze Spikers sa championship round matapos kalusin sa apat na sets ang HD Spikers 20-25, 25-14, 25-13, 25–18 noong Martes.

Nalasap ng Blaze Spikers ang pangalawang set loss nang yumuko sila sa first frame, subalit bigla bumangis sina imports Katherine Bell at Stephanie Niemer para akbayan ang Petron sa panalo.

Muling kakapitan ng Petron sina Bell at Niemer pagharap nila sa HD Spikers ngayong alas-4:15 ng hapon sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Best-of-three ang banatan kaya bawal ng kumurap ang HD Spikers.
“I think losing a set is part of the game,” saad ni Petron coach Shaq Delos Santos. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy