Una sa Balita

Bell, mga import nag-empake na

0 383

NAGSIUWIAN na muna sa kani-kanilang pamilya ang mga import ng Philippine SuperLiga (PSL) matapos kanselahin ng liga ang kasalukuyang Grand Prix dahil sa mas lumalala pang COVID-19 pandemic.

Nagsipag-empake na sina Katherine Bell ng Petron Blaze Spikers, Hana Cutura ng Marinerang Pilipina at Maeva Orle ng PLDT ilang araw matapos ang kanselasyon ng torneo.

Nakatakda na ring bumiyahe pabalik sa kanilang bansa si Tatjana Bokan ng Chery Tigo.

Ayon sa pamunuan ng PSL, binabalak nilang ipagpatuloy ang naudlot na Grand Prix sa Disyembre kapag humupa na ang sitwasyon. (Aivan U. Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More