Una sa Balita

Belinelli, Gallinari armas kontra Gilas

0 273

KASAMA ang mga pangalan nina NBA players Marco Belinelli at Danilo Gallinari, at European Qualifiers star Amedeo Della Valle sa bigating 24-man pool ng Italy na pagkukunan ng isasabak sa 18TH FIBA World Cup 2019 sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Ibig sabihin ay mas bigating asignatura para sa Gilas Pilipinas, kasama sa Group D ang Italy, Serbia at Angola.

Ang top two sa grupo ay aabante sa second round Group J, makakasama ang top two mula Group C na binubuo ng Spain, Tunisia, Iran at Puerto Rico. Ang top two muli sa second round pool ang uusad sa quarterfinals.

Nasa listahan din ng pagpipilian ni coach Meo Sachetti sina veterans Luigi Datome at Nicolo Melli, at si sharpshooter Davide Moretti ng Texas Tech na umabot sa 2019 NCAA Final.

Si Della Valle ang leading scorer ng Italy sa Qualifiers, malaki rin ang kontribusyon nina Awudu Abass, Luca Vitali, Paul Biligha, Ariel Filloy at Brian Sacchetti. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy