Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Belga, Painters gigil rumesbak

0 62

DESIDIDO si veteran big man Beau Belga na maibawi ang Rain or Shine Elasto Painters sa paparating na ika-46 season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Abril.

Ngayon pa lang, balik na sa pagpapakondisyon ang 34-year old cager upang makabawi sa nagdaang PBA Philippine Cup bubble na pinagkampeonan ng Barangay Ginebra Gin Kings.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa latest video nito, makikita ang training na ginagawa ng two-time PBA champion na talaga namang pinaghahandaan na ang pagbubukas ng bagong season ng liga.

Walang mintis ang bawat bato ng three-time All Star mapa-three point area o kahit sa ilalim pa.

Maganda rin ang pangangatawan ni Belga kaya siguradong pangdiinan na naman ang ipakikitang bangis ng Elasto Painters sa paparating na torneo. (Sarah Jireh Asido)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.