Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Belen walastik, Rookie-MPV!

0 76

ITINALA ni National University (NU) Lady Bulldgos spiker Michaela Belen ang kasaysayan matapos ang impresibong all-around na paglalaro sa UAAP Season 84 sa pagkakapanalo nito sa mga karangalan bilang Rookie of the Year (ROY) at Most Valuable Player (MVP).

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakuha ng isang manlalaro ang Rookie at MVP honors sa UAAP women’s volleyball kung saan napantayan ni Belen ang tagumpay na nagawa ni Marck Espejo ng Ateneo de Manila University na nanalo rin ng dalawang parangal noong Season 76.

Ang homegrown star mula high school program ng NU na si Belen ay mataas na inaasam-asam na makapasok sa kolehiyo pagkatapos ng dalawang beses na pagwawagi ng MVP honors sa girls division noong Season 80 at 82.

Naglaro ito para sa national volleyball team bago nakibagay sa Lady Bulldogs na sumabak sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship Oktubre nakaraang taon.

Ang open hitter ay umiskor ng 14 puntos sa kanyang debut sa pag-sweep sa Adamson University at nanguna sa Lady Bulldogs sa pag-iskor sa elimination round, na may kabuuang 203 puntos.

Ipinakita rin ni Belen na siya ay isang well-rounded player, na umusbong bilang ika-anim na pinakamahusay na receiver sa liga (40.85%), pati na rin ang ikawalong pinakamahusay na digger (2.38 digs bawat set).

Siya ang unang manlalaro ng NU na nanalo ng MVP honors mula kay Jaja Santiago noong Season 80. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.