Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Belen matunog sa Asian Volley

0 91

POSIBLENG pamunuan nina UAAP Rookie-MVP Mhicaela Belen ng National-U Lady Bulldogs, Faith Nisperos ng Ateneo Blue Eagles at Eya Laure ng Santo Tomas Growling Tigresses ang national women’s team sa inaugural season ng 2022 Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup sa Agosto.

Puntirya ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na tapikin ang mga collegiate players para sa naturang pandaigdigang kumpetisyon sakaling matuloy ito, kaya inamin ni commission chair Tony Liao na nagdesisyon ang grupo na maaaring sumali sa Agosto 21.

“It’s because of the problem with the training of the national team. If we will again get players from the PVL, which will have an ongoing Invitational Conference, they won’t have time to train with the national team like what happened for the SEA Games,” saad ni Liao sa lingguhang PSA Forum Martes ng umaga sa Century Park Hotel.

“Tapos na ‘yung UAAP, so I think ‘yung players from the collegiate will have more time to train with the national team,” dagdag pa ni Liao za weekly sports forum na handog ng San Miguel Corporation (SMC), MILO Philippines, Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee, Unilever Philippines , Amelie Hotel Manila at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Naging malaking hamon at karanasan para sa national women’s team ang nakalipas na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, kaya nakatuon ang pansin ng PNVF na magkaroon ng matinding paghahanda para sa national squad, lalo pa’t hindi makakasali ang mga professional athletes mula sa Premier Volleyball League (PVL).

Bukod kina Belen, Nisperos at Laure, ilan pa sa mga puwedeng tawagin ulit ng national squad sina National-U players Ivy Lacsina, Jennifer Nierva at Kamille Cal, gayundin sina Imee Hernandez at Bernadette Pepito ng Rebisco team na lumahok sa nagdaang 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship in Thailand. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.