Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Belat’ sa mga basher: Dominic nalasing, niyabang relasyon kay Bea

0 124

Ispiritu lang pala ng alak ang puwedeng magpalantad sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Di ba nga, ang tagal-tagal nang ini-expect ng mga fan na mag-post naman ang dalawa ng mga photo na magkasama sila, pero palagi silang bigo.

Sa birthday dinner ni Bea last year, inasam ng mga fan na mag-post ng mga photo ang dalawa, pero waley. At bagamat may kanya-kanya silang post sa mga IG story nila, obyus naman na magkasama sila.

Then, sa mga dinner date nila, panay rin ang post nila sa IG story ng mga individual photo nila, na kahit pareho, hindi mo naman masilip ang isa sa isa.

At sa Palawan trip nila, kahit obyus naman na magkasama sila, nagdamot pa rin sila, na talagang wala silang pinakitang photo na magkasama sila.

At sa trip nila ngayon sa Amerika, bumilang pa ng ilang linggo bago naganap ang inaasahan ng lahat.

At yes, kitang-kita sa photo na sa party (malamang salubong o asalto `yon sa birthday ni Dominic, na nag-31 na noong July 20) na medyo tipsy ang dalawa (wine drinker sila, base sa mga post nila), at presto, pinakita na ni Dominic na katabi niya si Bea.

Sabi nga, nag-party, nag-drinking session, nalasing, nilantad ang relasyon.

At may pang-aasar pa ang boomerang post na `yon ni Dominic, dahil naka-belat talaga siya, o labas dila, na parang sinasabi na ‘mamatay kayo sa inggit na mga basher kayo’.

Well, abangan na lang natin ang mga statement ni Bea sa pagbalik niya sa Pilipinas, lalo na kapag na-interview uli siya ng showbiz press. Pero malay natin, baka sa vlog ni Bea o ni Dominic nila gawin ang pag-amin (kailangan pa bang umamin?)?

Abangan! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.