Una sa Balita

Bela umaasam na maging dyowa si Piolo

By
0 4,191

‘Papa P. Papa Pafall’ ang simpleng chika ni Bela Padilla sa picture nila ni Piolo Pascual. Pa-fall, meaning, mga taong ang ganda-ganda ng trato sa ibang tao, na hanggang sa ma-fall na nga ang taong ‘yon, pero ang ending, waley rin.

Pinaasa. Pina-hopia. Pa-fall. Ganiyan ang dating.

Pero dahil sa photo na ‘yon, nakaisip na ng pelikula ang mga fan nila, ha! Bagay nga raw pagsamahin sa movie sina Piolo Pascual at Bela Padilla.

“Ate kambal, may chemistry kau ni Papa Pi…hehehe.. older version of MarNigo.”

“Pa-fall meets HeartBreaker.”

“Hehe, movie na po pls.”


“Natural charisma of papa P. Pa-fall hahaha.”

“Taps pag nagka-movie kayo, papaiyakin mo na naman kami Bela.Char lav u Ganda mo talaga besh! Share tayo kay papa P. ha.”

Sa Instagram naman ni Bela, wish din ng mga fan niya na magsama sila ni Piolo.

@iamjudith_c “Hala ang lakas ng chemistry nyo ni Piolo, Bela. Can you two please make a serye or movie? Promise ang hot ng dating nyo together!”

Pero siyempre, hindi puwedeng walang kontrabida. Kung marami ang nagsasabing bagay ang dalawa, at dapat silang gumawa ng pelikula, pumalag agad ang ibang fan.

@fan_b2018 “Sus hope tumigil na po si Paolo looking for another leading lady para umangat ulit. Like what Judy Ann Santos na nakatulong sa kanya para sumikat. Sorry to Piolo fans…di na sya nakakapagdala ng movie. Kaya hanap ulit ng makapagpasikat sa kanya…huwag magagalit ang matamaan…opinion ko lang po…

“Now target si Bela para sumikat ulit Piolo. Bela is a natural born talented and hindi trying hard magpatawa kaya gustong ipartner kay Piolo…kasi mada­ming followers si Bela…try another lea­ding man pls..maybe Carlo Aquino ulit….”

Oh, ‘di ba?