Una sa Balita

Bela type na ring magka-baby

Inggit sa BFF na si Sarah

By
0 3,189

Hindi matatawaran ang friendship nina Sarah Lahbati at Bela Padilla. Maraming silang secrets na isini-share sa isa’t isa.

Sa isang interbyu nga ay very proud na ikinuwento ni Bela na palaging isa siya sa mga unang kinukuwentuhan ni Sarah ng mga bagong pangyayari sa buhay ng kaibigan at gayundin naman daw siya, basta may bagong ganap sa kanyang buhay, maging sa showbiz o personal man, pala­ging ikinukuwento kaagad ‘yon ni Bela sa lovey-dovey ni Richard Gutierrez.

Nang kakuwentuhan ko nga si Sarah noong isang araw ay tinanong ko kung sino-sino na ba ang dumalaw sa kanila ni Baby Kai?

“Si Bela!” sagot ni Sarah na hindi ko na ipinagtaka dahil grabe nga ang closeness nilang dalawa.

Tuwang-tuwa nga raw si Bela nang makita si Baby Kai. Sayang nga lang at mukhang busy na si Sarah sa pagbe-breastfeed kay Baby Kai, kaya hindi na siya naka-online nang gusto ko pa naman sanang tanungin kung hindi ba nababanggit sa kanya ni Bela na type na rin nitong magka-baby.

Baby nina Mariel, Robin super-rampa sa HK

What a small world after all!

Nang magbakasyon sa Hong Kong si Mariel Rodriguez at ang anak na si Isabella, aksidenteng nakita sila ni Ate Gay sa Hong Kong Disneyland.

Nagbabakasyon din kasi that time sa Hong Kong ang gay comedian.

Anyway, si Mariel naman, masaya dahil sabi nga niya, “A dream baby to travel with,” ang anak nila ni Robin Padilla.

Super behaved daw kasi si Isabella. Hindi nga raw siya binigyan ni Isabella ng hard time habang nasa Hong Kong sila.

Paolo, Solenn, Maricel movie sobrang nakakatawa

Lumabas na ang teaser ng My 2 Mommies na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff with Ms. Maricel Soriano.

Kaaliw ang teaser ng nasabing pelikula at nangangamoy-blockbuster ito. May British-accent ang lahat ng mga artistang kasali sa teaser na ‘yon at lahat sila ay nakakatawa, huh!

Mukhang ginanahan nga si Erik Quizon sa pagdidirek ng pelikulang ito, ‘noh?!