Una sa Balita

Bela sikat na Korean actor ang bagong boylet

0 462

Nasa South Korea si Bela Padilla ngayon at nagsu-shooting para sa movie niya with South Korean actor Kim Gun-Woo na may title na “Ultimate Oppa”.

Kinumpirma ng agency ni Kim na Good People Entertainment last February 15 ang paggawa ng 28-year-old actor ng pelikula with Bela.

Joint project ang “Ultimate Oppa” ng Viva Entertainment at Reality Entertainment, ayon sa Korean entertainment website na Soompi. Ang producing director (PD) Hwang In Roo, who directed the dramas “Princess Hours”, “The Return of Iljimae”, and “Playful Kiss” ang siyang magpo-produce ng project.

Ang kuwento ng “Ultimate Oppa” ay tungkol sa naging relasyon ng isang Korean celebrity manager named Jay, sa die-hard Filipino fan na si Yana.
Kukunan ang maraming eksena ng movie in both South Korea at sa Pilipinas.

Sumikat si Kim Gun-Woo sa 2017 Korean drama na “Fight My Way”.

Nagbida rin siya sa iba pang Korean dramas tulad ng “Live”, “Less Than Evil” at “Catch the Ghost”.

Huling napanood si Bela sa pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” at sa Philippine version ng 2013 South Korean film na “Miracle in Cell No. 7”. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More