Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bela, Sarah todo rampa, chikahan sa Switzerland

0 53

Nasa London na nga si Bela Padilla, kuwento sa akin ng BFF (best friend forever) na si Sarah Lahbati.

Nagkasama sina Sarah at Bela sa Geneva, Switzerland last week.

Dinalaw ni Bela si Sarah, Richard Gutierrez, ang inaanak niyang si Zion, Kai at ang mag-asawang Abdel at Esther Lahbati sa Geneva.

Sey ni Sarah, “We planned it,” nang tanungin ko kung biglaan lang ba ang pagkikita nilang ‘yon ni Bela.

Two weeks around Switzerland daw si Bela at kasama talaga sa plano ng BFF ni Sarah ang pagbisita sa kanila sa Geneva.

Sabi pa ni Sarah, “She took a three-hour train to Geneva from Zurich. Saya lang kasi nagka-bonding kami. Pati ang kids, nag-enjoy.

“Ninang ni Zion si Bela.”

Last Saturday raw lumipad pa-London si Bela.

Pops, Martin inaabangan sa Redondo

Bongga si Martin Nievera dahil bukod pala sa Sycuan Casino Resort concert niya on Friday, may hosting naman sila ni Pops Fernandez para sa Miss Filipinas International 2021 beauty pageant.

Gaganapin ‘yon sa Redondo Beach Performing Arts Center.

So, maraming mga fan ang Martin-Pops tandem ang manonood ng beauty pageant na ‘yon dahil excited silang magkasamang nagho-host ang ex-couple.

Ang alam ko, hanggang August 3 lang sina Pops at Martin sa Los Angeles, California at babalik na ng Philippines dahil marami rin silang commitments sa atin.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.