Una sa Balita

Bela Padilla ligtas sa COVID-19

0 672

Nasa bansa na pala si Bela Padilla pagkatapos nitong mag-shooting para sa VIVA’s “Ultimate Oppa.” Nakapag-shooting na sila sa South Korea at kailan lang bumalik ng Pilipinas.

Kasama na rin daw ni Bela na bumalik ang South Korean actor na si Kim Gun Woo.

May ten shooting days pa raw sila. Timing naman na nakabalik na sila at nakapag-shoot na sa SoKor bago pa lumala ang COVID-19 na nararanasan ngayon.

So, may mga nag-aalala nga, at nagsasabing dapat siyang i-quarantine.

Pero, hindi na kailangang i-quarantine si Bela, dahil wala pa ngang virus sa South Korea noong nan­don siya, at nakabalik ng Pilipinas.

Rocco kinapos ng pambayad sa bahay

Halatang excited na si Rocco Nacino sa bago niyang bahay. Nag-post na nga siya sa Instagram account niya at makikita ngang halos tapos na ito.
“Malapit na sa totoo lang. Kaya stressed ako, super stressed kasi hindi pa dumarating lahat ang deliverables.

“Finishing touches at saka pambayad, isa pa yun! Ha ha ha!”

Target ni Rocco na makalipat sa bagong bahay sa birthday niya. Eh, ang birthday niya ngayong March 21 na. Naiiyak daw siya nang makita na nga niya ang sarili niyang bahay.

“Naiyak ako,” pag-amin niya.

“Nine years of hardwork. Puyat, dugo at pawis talaga.”

Kasunod ng bahay, ang ibabahay na niya. Pero sabi ni Rocco, hindi pa raw. Kailangan pa raw niyang mag-ipon pa para naman sa kasal kung sakali sa girlfriend, ang volleyball player na si Melissa Gohing.

Sa isang banda, hindi raw ito nagseselos sa kapareha niya sa teleserye na si Jasmine Curtis-Smith.

“Hindi, actually, lookin­g forward siya. Inaabangan din niya kasi, siya talaga matagal ng fan.”

Kamukha nga raw ni Rocco ang Korean actor na si Jin Goo.

Lorna naghahanap ng ka-level ni Daboy

Muling pumirma ang grandslam actress at nga­yon ay dahilan ng “high blood” ng mga nanonood ng “Ang Probinsyano” na si Lorna Tolentino sa BeauteDerm bilang isa sa mga celebrity endorser. Hindi naman nakapagtataka na mu­ling i-renew ng president at C.E.O. ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan si LT dahil bukod sa effective endorser ito ng Cristaux Gold Elixir Serum ay naging sobrang close na rin nila ng may-ari.

Nabalita na nga na tila nagpapa-release na si LT sa A.P. na originally, ten days lang pala siya dapat, pero siyempre, considered niyang blessing na ilang buwan na siya rito.

Wala muna raw plano si LT na after A.P. ay tatanggap na siya ng bagong serye. “Pa­hinga muna. Siguro asikasuhin ko muna ‘yong bahay na pinapa-renovate namin, saka ‘yong farm. ‘Yon muna.”

Sa totoo lang, walang kupas pa rin ang ganda ni LT kahit na lola na ito sa apo sa pa­nganay na anak na si Rap Fernandez. Pero kumpara sa ibang nabiyubiyuda na naghahanap pa rin ng bagong karelasyon o kasama sa buhay, si LT, tahasan niyang sinasabi talaga na ayaw na niya.
“Matanda na kasi ko,” sey niya.

‘Yong iba nga, senior na!

“Eh kasi, ako ganon talaga. ‘Yong love story namin ni Daboy (Rudy Fernandez), nag-umpisa niya kong nagustuhan, bata pa ko. Pina­ngako niya na pakakasalan niya ko. Tinupad naman niya ang pa­ngako niya.

“At saka, 14 pa lang ako, crush ko na si Daboy. Saka siguro, hindi puwede ‘yong nakilala mo lang, dapat matagal mo ng ka­kilala.”

Forty-six pa lang si LT nang mabiyuda, pero kahit daw ang mga anak niya, sinabihan siyang ‘wag na siyang mag-asawang muli.

“Ngayong 58 na ko, malapit na kong mag-senior, hindi na ‘yon ang priority ko talaga at lalong na-lessen habang tumatanda ako. Parang ay, na-pass na ang stage.”

At the same time, wala rin naman daw siyang makita o makilala na lala­king puwedeng humigit sa mga katangian ni Daboy.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More