Una sa Balita

Bela Padilla inusisa sa P3M donasyon

0 780

Matapos kuwestiyunin ng netizen kung saan dinala ni Bela Padilla ang nakalap nitong cash donation na P3 milyon noong March 16, agad ngang pinaliwanag ito ng aktres.

Nilinaw ni Bela sa Instagram post nitong April 1 kung paanong ginamit ang pera.

Aniya, ang P1.37 million ay nanggaling sa GoGetFunding page habang ang P2 million ay mula sa isang unnamed donor.

Ang pera aniyang mula sa GoGetFunding page ay hindi pa nire-release ng PayPal habang ang P2 million mula sa donor ay hindi pa dumadating at inaasahan niya ito sa susunod na linggo.

Kaya ang mga dinonate niyang umabot na sa P2.5M ay nagmula sa sarili niyang bulsa.

“But the food I bought for the two days of donations was worth around 2.5M,” giit niya.

Napunta raw ang P1.5 milyong halaga ng mga de-lata at bigas sa church-based non-profit group na Caritas Manila, na siyang nagbibigay ng donasyon sa mga mahihirap at matatanda.

Ang P1 milyon naman ay pinambili ng mga “groceries and other goods” para sa dalawang grupo: ang mga persons with disability sa Quezon City at mga palaboy sa mga lansangan ng Pasay, Manila at Makati.

“When the 2 million comes in finally hopefully next week, I will take my 1 million back and use 1 million for one more food drive. I won’t reply to anybody about this anymore after this post,” aniya.

“There are more people who need help, and I will focus my energy only to them or myself,” dagdag niya.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More