Una sa Balita

Bela Padilla, brutal, baboy ang bibig as Stella!

By
0 58

Dalawang pelikula na Graded A ng Cinema Evaluation Board at official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang magbubukas ngayon sa mga sinehan, ang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films at Triptiko ng Barrio’s Pictures at Michelena Brother’s Production.

Mga bida sa 100 Tula Para Kay Stella sina Bela Padilla at JC Santos. Nagkaroon ng red carpet premiere sa SM Megamall Cinema noong Lunes ang 100 Tula Para Kay Stella at impressive ang performance na ipinakita ni JC.

Ibang Bela ang mapapanood sa official entry ng Viva Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Confused at hindi lamang basta frustrated character ang karakter ni Bela.

Tiyak na magmamarka sa moviegoers ang kanyang mga brutal, baboy na linya at sumbat tulad ng “ Kating-kati ka ng magpak…..t sa boyfriend mo!”

Malinaw sa amin na si JC ang bida ng pelikula dahil nakasentro sa kanyang lihim na pagmamahal kay Stella ang kuwento ng 100 Tula Para Kay Stella.

Si Jason Paul Laxamana ang  writer at director ng pelikula na inspired ng kanyang sariling karanasan ang kuwento kaya siya ang nakikita namin sa karakter na ginampanan ni JC.

“The script was already finished way before we started shooting. Actually, na-offer na ito sa ibang artista before us  tapos na-stop ‘yung project.

“Tapos, nu’ng inulit ni Direk Jason Paul, naisip niya kaming dalawa ni JC pero two years ago, naririnig ko na itong script na’to. Alam ko may ibang artista na nakalaan.

“Si Direk Jason lang ang writer kasi nga base sa story niya. May ginawan talaga siya na isandaang tula. I think ha, I’m not sure, I need to confirm kung ‘yung mga tula na ginamit namin, ‘yan mismo ang ibinigay niya.

“Yes, may totoong Stella. Nakita ko na rin ‘yung picture niya. Tinry namin na ‘yung look, parehas. Watch the movie, makikita ninyo kung anong nangyari kay Stella,” ang kuwento ni Bela tungkol sa history ng 100 Tula Para Kay Stella.