Una sa Balita

Bela natakot sa laplapan kay Tony Labrusca

0 477

abante-paistaran-dondon-serminoLimang taon ang agwat ni Bela Padilla kay Tony Labrusca. Twenty eight na si Bela at twenty three lang si Tony.

Pero sa teleser­yeng “Sino Ang May Sala? (Mea Culpa)” ng ABS-CBN, hindi mo makikita ang agwat ng edad nila.

Sa totoo lang, may kilig factor din sa dalawa. Parang teenager din ang dating ni Bela, at bumagay talaga sa ka-macho-han ni Tony.

“I’m very happy na makasama si Tony. Very refreshing,” sabi ni Bela.

“Sa mga eksena na nakita niyo kanina, sa mga kilig moments, sabi ko sa kanya, ‘ikaw na ang bahala dito,’ kasi mukhang mas may experience naman siya. Parang kaya na niya ‘yon,” kuwento pa ni Bela.

Oo nga, bukod sa lambingan moment nila, may mga halikan scene rin sila. Eh, magdyowa nga kasi ang dalawa. At sabi ni Bela, sobrang naiilang siya kapag ganu’n na ang kinukunang eksena.

Na-“Glorious” ba ni Tony si Bela? ‘Di ba nga, naging usap-usapan ang digital movie nina Angel Aquino at Tony dahil sa matin­ding halikan nila.

Naging biruan nga noon na maraming babae ang gustong magpa-“Glorious” kay Tony, na sobrang husay nga raw kasi sa halikan.

“Hindi naman niya ako glinorious (Glorious). Ano lang, pang-TV lang ito.

“Niloloko nila ako sa set, kasi kakapalabas lang nu’ng Glorious nu’ng kukunan namin ‘yung scene (halikan) na ‘yon. So naririnig ko sa head set, sinasabi nila Direk, ‘Ayan na, Glorious na.’ Eh, alam nila na very awkward ako.

“So, tinitingnan ko siya (Tony). Sabi ko, sige lang, subukan mo lang. Hahahahaha!”

May kasamang pagbabanta pala ‘yon?

“Sabi ko, tigilan mo ‘ko, ha! Hahahahaha!” sabi pa ulit ni Bela.

“Pero mabait si Tony. Siya ang nagtatanong sa akin kung saan ako mas comfortable, kung hanggang saan namin da-dalhin ang eksena. Very gentleman siya,” kambiyong chika ni Bela.

So hindi pala niya kaya ang makipaglaplapan nang husto kay Tony, ala-Glorious?

“Hindi, eh. Awkward talaga ako. Mabuti na lang talaga at hindi ako ang gumawa (ng Glorious),” natatawang sabi na lang ni Bela.

Anyway, sa April 29 na mapapanood ang “Sino Ang May Sala? Mea Culpa.”

Matutunghayan ang pagbabalik-primetime ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria bilang si Fina, isang simpleng magsasakang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya at buong tapang na hahanapin ang nawawala niyang anak.

Makakabangga naman niya si Bela, na gaganap bilang isang abogado, kasama sina Tony, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana Alawi at Ketchup Eusebio.

Magsisimula ang bangungot sa kanilang mga buhay nang mag-road trip ang magkakaibigang sina Juris (Bela), Andrei (Tony), Gaylord (Sandino), Greco (Kit), Lolita (Ivana) at Bogs (Ketchup) sa Baguio upang i-celebrate ang pagpasa nila sa bar.

Mauuwi ang okasyon sa isang aksidente at krimen na magdudulot sa pagkakalayo ni Fina mula sa kanyang bagong silang na anak. Ngunit dala ng konsensya, magkakasundo ang magkakaibigan na kupkupin ang bata na siya namang aalagaan at kukupkupin ni Juris.

Susubuking itago ng barkada ang madilim na lihim ng kanilang nakaraan, hanggang sa madiskubre ang isang bangkay sa Baguio na ilang taon nang naaagnas.

Dahil sa balita, iigting ang paniniwala ni Fina na buhay pa ang kanyang anak at sisimulan ang paghahanap dito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy