Una sa Balita

Bela nasapawan si Karylle sa ‘Showtime’

BELA NASAPAWAN SI KARYLLE SA ‘SHOWTIME’

By
0 8,120

Napapadalas ang pagiging guest co-host ni Bela Padilla sa It’s Showtime at kitang-kitang aliw na aliw sa kanya ang madlang people sa pagsakay niya sa mga kabaliwan ni Vice Ganda.

Maraming netizens din ang nagsasabing gawing permanent na sa noontime show ang Kapamilya aktres dahil nakakadagdag talaga siya sa saya ng palabas.

Ngayon nga ay patok na patok sa viewers ang pagiging third party niya sa tambalan ni Vice at ng It’s Showtime dancer na si Jackie, kung saan kunwaring nagseselos siya at nakikipagtarayan pa sa mayuming dancer para sa puso ng phenomenal box office star.

Patunay rin sa karisma ni Bela sa madlang people ang pag-ani ng milyon-milyong views sa YouTube ng mga eksena niya sa It’s Showtime at pagtanggap din niya ng papuri para sa kanyang natural na hosting skills.

Pero teka lang, may mga naiirita rin, lalo na ‘yung mga tagahanga nina Vice Ganda at Karylle. Sabi nga nila, nasapawan daw ni Bela ang idolo nilang si Karylle, na dati ay kaharutan ni Vice Ganda, ha!

‘Di ba nga, may love team pa sila noon, ang ViceRylle? Kumbaga, sa halip na si Karylle ang kaeksena o kaagaw ni Ate Girl kay Vice, si Bela na nga ito. Masyado raw ginalingan ni Bela ang pag-epal, kaya heto nga at siya na ang pinapansin ng madlang people.

Well, move on, move on din kasi. Si Bela, nagbibigay-saya lang sa madlang pipol, ha! The fact na benta sa lahat ang kunya-kunyaring agawan nila ni Jackie kay Vice, meaning may epekto at dating siya sa mga manonood ng It’s Showtime.

Si Karylle naman, may dyowa na at happy naman siya bilang hurado sa noontime show na ‘yon nina Vice. So, deadma na lang.