Una sa Balita

Bela nakikisakay sa kasikatan nina Angelica, Vice, Kim

By
0 444

Ayaw nang patulan ni Bela Padilla ang mga patutsada sa social media na nakikisakay lang siya sa kasikatan nina Vice Ganda, Angelica Pang­niban, Kim Chiu at iba pang mga close friends niya.

Genuine umano ang friendship at time na ibinabahagi niya sa mga ito at wala siyang pakialam kung tinitingnan man ‘yun ng ilan bilang pakikipag-level sa estado ng mga ito sa showbiz.

Nakagawa na ng name niya si Bela sa showbiz at grateful siya sa mga magagandang projects at exposure na ibinigay sa kanya ng kanyang mother studio.

Kung nagkakaroon­ man daw siya ng mga friend na sikat at malakas­ ang hatak sa public, eh dahil daw ‘yun sa pagiging totoo niya sa mga ito at pagbibigay ng time and love and respect.

Never daw niyang inisip na super sikat na siya dahil nakakatrabaho na niya ang mga major star sa showbiz at may magaganda siyang exposure sa TV o film.

“It’s because of the trust they gave me, the confidence I have and siguro po ay dahil sa hardwork. Pinaghihirapan ko naman lahat iyan,” sey pa nito.

Mapapanood si Bela sa ‘The Day After Valentine’s Day’, entry sa PPP at kasama niya si JC Santos.