Una sa Balita

Bela, Jodi nagkabugan sa akting, luha sa ‘Mea Culpa’

0 435

Ni: Dondon Sermino

Bumaha ng luha! Ganyan kung i-describe ng mga manonood ang finale ng teleserye ng ABS-CBN 2, ang “Mea Culpa: Sino Ang May Sala?”

Marami ang natuwa na nabigyan ng hustisya ang isang pagkakamali na matagal itinago. Na pinatotohanan nga na walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang pagkakamali ang hindi pinagbabayaran.

Sa finale, sinubukan sana nilang gawing disaster ang ending. Tipong kailangan munang magkaroon ng matinding bangayan, na halos umabot sa patayan sina Juris (Bella Padilla) at Fina (Jodi Sta. Maria). Ang pagiging ina kay Leyna ang ugat ng lahat ng problema nila. Na nagsimula sa isang pagkakamaling hindi naman sinadya. Pero dahil sa mga maling desisyon sa buhay, uma­bot sa kulungan ang lahat.

Durog na durog ang puso ng mga manonood sa eksena na humingi ng ‘tawad’ ang mga karakter nina Jodi at Bella. Lalo na ‘yung pagpapasalamat ni Fina kay Juris, dahil inalagaan nito ang kanyang anak.

Na sabi nga niya, kung hindi siguro napulot ni Juris si Leyna, baka hindi ganito kaayos ang buhay ng bata ngayon.

Pero ‘yun nga, walang krimen na hindi pinagbabarayan. Nauwi sa pagkabaliw si Juris, at nakulong ang mga dapat makulong.

Heto naman ang reaksyon ng mga fan:
Faye Ines, “Juris means law. Fina is Filipina banyaga, meaning the Filipinos. And banyaga means foreign. Some Filipinos were denied by justice kasi they are somewhat foreign (ignorant) about their rights that protects them.

So for me, this teleserye talks about the law in the Philippines which should govern its people. Pero anong nangyayari? Si Juris meaning yung batas, siya ang umaalispusta at nambibiktima kay Fina which is si Filipina or mga Pinoy. But in the end, our laws are promulgated by the people, of the people, and for the people, so justice will still prevail.”

tipidity foods channel, “The word ‘sorry’ from Juris means it all. Nakakaiyak. Simple and short word pero may something that will make the viewers cry.”

Aldren Bayog, “Kudos to the writer you nailed it, kaya naman pala ng Pinoy gumawa ng story out of different perspective of love eh. This teleserye is a living proof and a breakthrough in the showbiz industry. Ito ang kauna-unahang teleserye na hindi man puro action not even a love story but perfectly manifest the beauty of Philippine entertaiment. Kudos likewise to the director and the cast. God be the Glory. Your entitled the viewers gratitude.”

Maria Buse, “Galing! This teleserye started well and ended well! Sana ganito lang kaikli ang mga teleserye para yong mensahe klaro. Di gaya ng Kadenang Ginto na nakakasawa na ang away nila Daniela vs Romina, at Cassie vs Marga. Paulit-ulit na lang and script para lang humaba. Sayang ang magandang simula at takbo ng kuento. Hahahay… just saying…”

Angelica Colapo, “Excellent performance Ms. Bella Padilla. You deserve Best Actress Award! I believe c Bella ang nagdala ng kwento. Kudos Mam! And even to every single character of Mea Culpa. Best of the best!”

Jay Peralta, “Hindi ko napigilang umiyak sa ending scene nila jodi and bella. This is very inspiring story and one of the best finale episode. Good job Sino ang may Sala cast. (MEA CULPA).”

_etherealBTS, “Naiyak ako sa last scene ni Fina, Leyna at Juris, at yung background music grabe bumuhos luha ko, at tama ako na sa mental nga ang bagsak nya.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy