Una sa Balita

Bela inspirasyon ni Zanjoe

By
Bela at Zanjoe
0 24

Marami ang natutuwa na ang ilan sa mga artista natin ay hindi lamang pag-a-arte ang gustong gawin, kundi pati na ang maging isang scriptwriter at direktor.

Sa ngayon, ang bentang-benta ay si Bela Padilla na naging matagumpay naman ang first screenplay na isinulat niya na Last Night, na kapapalabas pa lang sa mga sinehan.

Sinusundan naman ito ni Alessandra de Rossi na siyang nagsulat naman ng sari­li niyang  pelikula, ang 12 na  malapit na ring ipalabas.

Tapos, heto pa, humahabol na rin si Zanjoe Marrudo na nagsisimula na ring mag-conceptualize ng mga stories niya. Aba, na-inspire kaya siya nang kanyang rumored dyowa na si Bela?

Ayon naman sa kanya, noon pa naman daw ay nagsa-suggest na rin siya ng mga kuwento, pero ma­laki ang paghanga niya kay Bela kaya parang ginanahan na rin siya.

Willing naman siyang makipag-collaborate dito at who knows nga, makabuo sila ng isang magandang script na puwede gamitin sa mo­vie at TV.

Samantala, si Alex naman ay naghahanda na para maging isang direktor. Kaya pala bumubuo siya ngayon ng isang film production para maisakatuparan niya ang kanyang mga gustong gawin na walang nangingialam.

Alessandra de Rossi

At bongga, gustung-gusto niya na idirek ang kanyang ate na si Assunta de Rossi, huh!

Parang ang gusto nga raw niyang concept ay tungkol sa isang magkapatid na ang isa ay nakapaga-asawa ng totoong mayaman, samantala ang isa ay walang pakialam sa mundo.

Ano ‘to? True-to-life story? Charossss!