Una sa Balita

Bela, Ice sinugod ang komunidad ng mga bulag

0 551

Hanggang sa community ng mga bulag ay hindi pinalagpas ni Bela Padilla. Hayun nga ang pinuntahan talaga niya at dinalhan ng mga pagkain, mula sa kanyang nakubrang donasyon sa social media.

Pinasalamatan ni Ice Seguerra si Bela sa tulong na ibinigay nito para mabigyan ng pantawid-gutom ang mga bulag, ngayong hindi makalabas ang mga ito para makapagtrabaho.

Karamihan nga sa kanila ay mga massage therapist na hindi makapagtrabaho sa ngayon.

Pinasalamatan din ni Ice ang iba pang mga kasamahan sa industry na nag-volunteer sa distribution ng goods.

“Nakapag-ikot na ang #VolunteersCorpPh para makapagbigay ng groceries sa mga pamilya sa GK PWD Village Proj.4. Ito ay ang komunidad ng ating mga kapatid na bulag at ngayo’y walang trabaho dahil sa COVID-19. Salamat Bela Padilla for helping us out! Thank you sa mga volunteers na nag-deploy today, Paolo Villaluna, Dan Villegas, Antonette Jadaone, Richard Quan, Cesca Lee, Rior Santos,” sabi ni Ice.

Pupunta pa sa ibang mga barangay ang team para mamahagi ng mga goods, kaya nanawagan pa si Aiza ng donasyon. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More